Chapter2: "He Stole My First Ever Kiss!"
Hariette's POV
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon sa kanya. Kahit alam ko naman na hindi siya talaga bakla. Sa inaakto niya kasi nainis ako. Naiinis talaga ko kaya naman gusto ko lang din siyang inisin.
Nagulat ako dahil sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at hawak na ang kamay ko sa may bandang pulso. Ang higpit ng pagkakahwak niyang iyon.
"What did you say?" tiim bagang tanong niya, nakatingin siya sa akin ng diretso. Mas nanaisin ko pa atang kainin nalang ng buhay ng buwaya kaysa unti-unting maupos ng parang sigarilyo sa titig niya. Nakakatakot!
"Ah..Ahmm, you're g-gay," hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin ulit ang mga katagang iyon kahit na nanginginig na ako sa takot sa kanya. Parang kanina lang mukha siyang anghel pero ngayon mukha na siyang devil.
Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"'Yong braso ko," pilit kong inaalis ang mahigpit na hawak niya sa akin. Nagtagis ang mga ngipin niya saka niya ako isinandal sa pinto.
"A gay?" sabi niya pa, saka niya inilapit unti-unti ang mukha niya sa mukha ko. Para naman akong naparalisa na hindi ako makagalaw o makaiwas man lang kahit alam ko na kung ano ang mangyayari. Napalunok ako at unti-unti ay hinalikan niya ako. Ang first kiss ko! He stole my first ever kiss!
Tumagal 'yon about 10 seconds siguro at ganoon din katagal nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Sa isang iglap ay nawala ang first kiss ko....ang first kiss ko sa gilid ng mga labi ko.
Lumayo na siya sa akin, napalunok ako ulit ng makita ang mukha niya. Ang walang emosyong itsura ng mukha niya na galit pa rin.
Dali-dali siyang lumabas ng gate at sumakay sa motor niya. Iniwan niya akong nakatulala at nanginginig pa rin. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o sa gulat dahil sa halik niya?
Maybe both? Nakakapanghina pala ang halik kahit na sa gilid lang iyon ng mga labi ko ay ramdam ko pa rin ang mga labi niya. Bakit nga ba sa gilid lang ng mga labi ko? sigaw ng malandi kong utak.
9:00 am.
Ngayon lang ako nagising, talagang antok na antok pa ko dahil hindi ako pinatulog ng 'MAGNA' kong Tutor.
MAGNA-nakaw ng Halik.
Nawala na tuloy yung First kiss ko. Until now kasi parang nakadikit pa rin sa labi ko yung labi niya, nararamdaman ko pa rin eh. Hay. Baliw na ba ko? Hindi mo naman ako masisisi noh, First Kiss ko kaya yun.
Mabalik tayo sa realidad, ayun heto nagmamadali akong maligo at gawin ang mga ritwal ko sa buong katawan. Nagmadali din akong nagbihis dahil ang tagal bago ko nakapili ng damit na susuotin ko ngayon.
Kailangan maging magandang maganda pa ko 'lalo' sa paningin ng Tutor ko. Yung tipong makalaglag brief and what-so-ever eklavu chuvachuchu.
Nang matapos na ko, dali-dali akong bumaba at nagpunta sa sala dahil late na ko. Oh yes, i am late, 30minutes late sa klase namin. Patay ako nito!
Katulad ng inaasahan ko, nandoon siya nakaupo sa sala at tingin ng tingin sa relo niya. Naku. Lagot! Pero okay lang yan, sulit naman ang paghihintay niya sa Prinsesa niya kasi magandang maganda ako.
Sinong Prinsesa? Eh baka AKO? Wala naman ibang mukhang Prinsesa dito maliban na lang sa akin ehh. I'm her beautiful Princess.
"Hello, Goodmorning!" malambing kong bati sa kanya nagbabakasakaling makalimutan niyang late ako.
"What's good in morning if you're 35 minutes and 45 seconds late, Ms. Joey?" supladong sagot nito matapos tumingin sa relo niya. Talagang kinalkula pa eh?
Tss, aga aga, badmood na agad siya!! Nagpaganda nga ko para sa kanya tapos magagalit siya agad. Hay naku.
Teka? Tama ba yung narinig ko? Tinawag niya kong Joey? Mygad! Ang bantot!
"Don't call me on my second name, Sean! I don't like it." i said in a harsh tone. Kairita kasi, ayokong ayoko ng tinatawag na 'Joey' dahil panlalaki yun and look at me, i'm a young pretty lady. Haler!
"You can't just dictate what will i say. Yes, I'm just your Tutor but not ever your Slave, Ms. Joey." madrama niyang sagot, sabay talikod sa akin at naglakad na patungo sa mini classroom namin.
So dinamdam? Agad-agad? Hilig mang iwan nito, bawal ako ayain? Tss.
"Hey! wait for me." habol ko sa kanya na hinawakan ko siya sa braso niya.
Pero agad niyang binawi ang braso niya, yung totoo may nakakahawa ba akong sakit? Kung makailag naman ito ohh. Baket ganyan siya? Ang bad bad ng aura niya. Hahawak lang naman eh.
"Don't touch me, just follow." talikod ulit siya pagkasabi nun.
Ano bang problema niya? May period ba siya ngayon? or Is he still mad at me because of what happened yesterday? Di ba dapat ako nga yung magalit dahil ako ang nawalan ng First Kiss? At siya ang Stealer na yun? Di ba? Di ba? Waah. Gulo niya!Halikan ko kaya siya! Hmp.
Dahil sa mabait na bata naman ako, sumunod na lang ako sa kanya baka lalong mag alboroto sa galit itong Tutor ko na to ehh pag pumalag pa ko. Mahirap na, baka halikan pa niya ko ulit. Hindi makalimutan? Ehh bakit ba? First Kiss ko yun eh.
So ayun, pagkaupo ko dun, agad siyang naglabas ng libro at nagsulat sa blackboard. Maya-maya nag umpisa na siyang magdadada sa harapan.
Blah... Blah... Blah... Blah... is Blah... Blah... Blah... Blah... that Blah... Blah... Blah... Blah... to Blah... Blah... Blah... Blah... so Blah... Blah... Blah... Blah... is Blah... Blah... Blah... Blah...
Ashifugiiihdkgkjfdkfghdoiyfv. Wala po akong naiintidihan!
Ni hindi nga man lang pumapasok sa tenga ko ang mga sinasabi niya! Hay. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi rin ako makakapag aral.
Akala ko pa naman kapag 'gwapo' at 'hot' ang Tutor ko makakapag focus na ko ng maigi sa pag aaral ko ng mga lessons sa School, pero lalo lang lumala eh. Dahil mas nagfofocus lang akong titigan siya.
Hindi para laitin o bilangin ang mga kapintasan niya sa katawan dahil wala naman siya nun ehh, maliban lang sa ugali niya! kundi, mas nagfofocus akong pagpantasyahan siyang kasama ko sa aking Dreamland.
Kung saan lahat, pwede. Lahat masaya. Lahat perpekto.
Yung tipong siya yung Prince at ako yung Wicked Witch--este ako yung Pretty Princess niya. And we lived happily ever after. THE END. Oh di ba? Ang saya ko lang.
Nakapangalumbaba ako, dalawang kamay pa yun, habang nakatingin lang ako sa kanya na patuloy pa rin sa pag sasalita kahit hindi naman ako nakikinig.
Naalala ko yung kahapon. Nung isinandal niya ko bigla sa may pintuan tapos... tapos unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin tska niya ko hinalikan ng dahan-dahan.
Waaah. Nag iinit ang pisngi ko! Tapos... napayakap lang ako sa kanya, tapos niyakap din niya ko ng mahigpit na mahigpit na parang hindi na niya ko papakawalan pa.
Tapos...kapa..kapa..kapa...
Napamulat ako mula sa pagkakapikit ko ng maramdaman kong sarili ko lang pala ang kayakap ko. Muntanga lang. At napanguso na rin pala ko na parang may ikinikiss.
Umagang umaga kung makapag daydreaming ako. Tss, kasalanan kasi ng Tutor na ito eh. Kung hindi niya ninakaw yung First Kiss ko, edi sana hindi ko na naiisip yon!
Nagulat ako ng magising ako sa diwa ko at makita sa harapan ko ang nakakunot noo pero gwapo pa ring Tutor ko. Take note: Nakanguso pa rin ako niyan ahh, habang malapit yung mukha niya sa akin na tinititigan ako. Oh di ba? AWKWARD!
***
D A R A N A K A H A R A
BINABASA MO ANG
Ways To Win Your Heart✔️COMPLETED
Teen FictionBook Cover layout: Shania Suniega Photo credit: Pinterest For Hariette, No one could ever resist her beauty not even Mr. Tocson so she will do anything to make her gorgeous, hot, sexy and hard-to-get Tutor fall in love with her head to toe whatever...