I woke up feeling something heavy on my chest. Naalimpungatan yata ako.
I tried to open my eyes while also trying get up pero sadyang mabigat pa rin ang mga talukap nito at ganoon din ang katawan ko kaya naman inilapat ko na lang ulit ang ulo ko sa unan.
Pero kahit hindi ko man idilat ang mga mata ko, alam na alam ko na agad kung sino ang nasa tabi ko. Amoy pa lang ng kwarto, alam ko na rin kung nasaan ako.
Napangiti ako sa naisip ko.
For the second time, I tried to open up my eyes at nang magawa ko na ay tiningnan kung bakit ako hindi makabangon.
And without a surprise, I saw a handsome face lying on my chest. Lalo akong napangiti dahil sa nabungaran ko.
Ito yung literal na good sa morning.
Tinitigan ko naman ang mukha niya. How can I not love this guy? Bukod sa mabait at magaling sa lahat ng bagay ay sobrang amo pa ng mukha? Sa lahi pa lang nito, hindi na ako lugi.
Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na haplusin ang mukha niya.
Haaay bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to?
Naramdaman ko na lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang kaunting bitaw niya lang ay mawawala ako sa kanya.
Siguro ay naramdaman niya na gising na ako pero inaantok pa siya. Masyado namang energetic kagabi, oh edi ayan.
Sa totoo lang, una pa lang ay crush ko na talaga siya pero syempre hindi ko naman inamin dahil lalo lang niya akong aasarin. Ang lakas pa namang mamburaot nito.
Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa gwapong nilalang na 'to?
Yung kilay niya, matangos yung ilong, yung matatamis niyang mga labi, yung mga mata niya na parating parang nangungusap sa tuwing tinititigan niya ako.
Marami nang nabiktima at naakit 'to pero isa lang ang sigurado ako, sa akin pa rin babalik at babalik 'to.
Kung titingnan mo si Erik, siya yung tipo ng lalaki na parang malambot. Marami ngang nagsasabi kahit noon pa man na baka hindi siya straight. Pero kung kikilalanin mo siyang mabuti, malalaman mo na si Erik yung lalaking mataas ang respeto sa mga babae.
Sa ilang taon na na magkakilala kaming dalawa, parati niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa buhay niya. Hindi nakikita ng ibang tao yun pero ako, ramdam na ramdam ko.
Tsaka duh, katabi ko nga siya ngayon dito sa kama, paano mo sasabihing bakla siya e halos hindi niya nga ako tinigilan kagabi hanggang hindi ko mismo sinasabing pagod na ako?
Sa totoo lang din ay minsan natatakot ako sa sitwasyon naming dalawa. Yung ganitong relasyon, hindi ako sigurado kung ano ba ang kahihitnatnan.
Pero alam ko na kahit na anong mangyari ay hindi ako pababayaan ni Erik. Alam kong handa siya sa buhay na kung anuman ang naghihintay sa aming dalawa. Ilang beses niya nang sinabi na gusto niya akong makasama habambuhay.
Ako lang siguro ang hindi pa... sa ngayon.
"Ang lalim ng iniisip ah, baka malunod ka naman niyan." I was quite stunned nang bigla siyang dumilat at nagsalita.
Jusko parang sasabog ang dibdib ko sa gulat!
"Pogs naman! Nagulat ako oh!" medyo pataray na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako at umangat sa pagkakahiga niya para abutin ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.
"Good morning, Love. Ang ganda naman ng morning ko." sabi niya habang nakatitig sa akin.
Bakit ganoon, bakit kahit na palagi niya namang ginagawa yun sa akin ay kinikilig pa rin ako?
BINABASA MO ANG
Secrets Beyond the Stars
FanficOriginally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of 𝙁𝙄𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉. I repeat, 𝙁𝙄𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉. I will try my very best to make this story realistic but at the same time 𝙋𝙐𝙍𝙀 𝙄𝙈𝘼𝙂𝙄𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉. Any resemblance to t...