CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome

1.2K 44 3
                                    

"So, as part of this year's year-end event, we are planning to have a concert----"

*rings*

Lumingon naman ang lahat sa gawi ni Erik. Lahat sila ay tila ba naabala sa malakas na pagtunong ng telepono nito.

Ugh heto nanaman po tayo.

"Uhm sorry everyone, I just need to take this call."

Pagkalabas niya ng meeting room at kaagad niyang tiningnan ang pangalan ng tumatawag.

At tama nga siya.

*CALLING: Love*

Wala siyang choice, hindi pwedeng hindi niya ito sagutin. Ano nanaman kayang iniisip nito ngayon?

He smiled before answering the call.

"Hello, Misis?" malambing na pagbati niya dito.

"Misis mo ba ako ha? Nasaan ka na?" diretsong sagot naman ni Angge sa kanya.

"Love, nasa meeting ako diba po?" sabi naman ng binata sa kanya dahil totoo naman na alam nito ang tungkol sa meeting niya sa management nila.

"Umuwi ka na." simpleng sabi lang nito.

Napailing na lang siya sa narinig. Ito nanaman sila.

Ngayon ay nasa iisang bahay na sila nakatira. Umuuwi lang siya paminsan minsan para kumuha ng gamit.

"Bakit naman po pinapauwi mo na agad ako ha?" sabi niya na lang.

"Manganganak na yata ako."

He just laughed "Love, ayan ka nanaman. Hindi ako pwedeng umuwi ngayon alam mo namang nasa planning ako diba po? Uuwi na lang ako agad pagkatapos ko."

Natatawa na lang kasi siya sa mga ganitong sitwasyon nila. Alam niya kasi na malamang wala naman talagang malalim na dahilan kung bakit pinapauwi siya nito.

----FLASHBACK----

"Oh GAP 3, The Greatest Showdown na. Magready na yung mga magpeperform."

Erik just sighed and tried to calm himself.

Hindi naman siya kinakabahan, inihahanda niya lang ang sarili niya at pinipilit na muling alalahanin ang lyrics ng kantang ipeperform niya.

"Kuya, si Ate Irene po tumatawag." sabi ni Mark at iniabot ang telepono niya.

Nagtaka siya, bakit naman kaya?

"Hello Ate? Bakit po?" kalmadong sabi niya pero nagulat siya nang natatarantang sumagot si Ate Irene sa kabilang linya.

"Sir umuwi ka na daw sigaw ng sigaw si Ma'am! Pinapatawagan ka, manganganak na yata!"

"Ha, ano?! E dalhin niyo na sa ospital!" sabi niya habang hindi magkandatuto kung tatakbo ba siya o ano.

Pero manganganak na? E hindi ba next month pa dapat?

"Ayaw nga niya eh. Gusto ka daw niya makita ngayon na!"

Nang marinig niya iyon ay walang sabi-sabi na binitawan niya na ang microphone niya at mabilis na tinungo ang daan pauwi nang bahay.

Halos paliparin niya na ang sasakyan makauwi lamang agad at punong-puno ang dibdib niya ng kaba habang iniisip si Angge at ang anak nila.

Pagdating niya sa bahay ay tinakbo niya na kaagad ang kwarto at natataranta pa rin siyang binuksan ito. Wala na siyang pakialam sa pagod at hingal na nararamdaman niya.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon