•12•

163 28 0
                                    


Nayeon's POV

Nag lalakad na ako papunta sa 7/11 bahala siya pag di siya pumunta di ko siya tutulungan kung pano sasabihin kila tita na pregyybels siya.

Tatawid na sana ako, nang biglang may sumigaw, kaya nag lakad lakad muna ako, na curious kasi ako bigla, naka kita ako nang isang madilim na eskinita sure ako dito nanggagaling yung mga ingay na narinig ko.

"Kuya tama na po, ibinigay ko naman na po lahat ng pera ko wag niyo po akong papatayin gusto ko papong makatapos ng pag aaral." Nagmamaka awa na sabi nang isang lalaki habang naka luhod at punong puno ng sugat yung katawan niya.

"Alam mo bata kahit ilang beses kapang mag maka awa  sa amin hinding hindi kana namin bubuhayin, ano sa tingin mo tanga kami? Malamang pag pinakawalan ka namin magsusumbong ka sa mga pulis." Natatawang sabi nung lalaking may hawak na kutsilyo.

"Narinig niyo sabi ni boss? Tuluyan niyo na yan." Sabi pa nung isang lalaki, mga gangster sila galawan palang nila malalaman mona agad, agad namang nag labas ng baril yung isa nilang kasama at itinutok sa ulo nang lalaking binugbog nila, sa tingin ko highschool palang siya at sobrang sakit sa magulang na mawalan ng isang anak, oh no? Hindi pwede to.

"No!" Sigaw ko, gulat na gulat sila nang makita nila ako, pati nga ako nagulat sa ginawa ko.

Biglang ngumiti ng sobrang creepy yung boss na tinatawag nila, hindi ko alam pero naka ramdam ako ng takot, gusto kong tumakbo pero hindi ko kayang iwan yung lalaki.

Agad silang lumapit sakin at may dalawang lalaking humawak sa magkabilang braso ko, lumapit naman sakin yung boss nila at hinawakan yung mukha ko.

"Ang malas mo naman? Last day mo na sa earth ngayon pakielamera ka kasi miss eh, pero wag kang mag alala magpapasarap muna tayo bago ka pumunta sa hukay." sabi niya at tumawa ng malakas, sa sobrang inis ko dinuraan ko siya.

"Bastos ka!" Naiiyak na sigaw ko, tumawa lang siya ng malakas at tumingin ng masama sakin bigla niyang tinaas yung kamay niya kaya naman pumikit nalang ako, ready na akong masampal.

Nag hintay ako ng sampal pero wala kaya dumilat na ako, may lalaking pumigil sa kanya, shemss thank you lord nagpadala ka ng guardian angel.

"Babae at batang lalaki lang ba ang kayang mong patulan?" Maangas pero mahinahon na sabi nung lalaking nagligtas sa beautiful face ko.

"Tapang mo ah? Akala mo naman kaya mo kami!" Sigaw nung isang lalaking naka hawak sa braso ko, nag smirk naman yung lalaking tumulong sakin.

"Let's see." Walang sabi sabi sinuntok niya agad yung boss, napa hawak naman yung boss sa mukha niya at galit na tumayo gaganti sana siya pero naunahan siya ng savior ko kaya napa upo nanaman siya sa sahig, agad naman akong binitawan ng mga alagad niya at sinugod nila yung savior ko, wa effect din kasi tumba din sila, nagulat nalang ako kasi may mga pulis na napapalapit sa amin, tiningnan ko yung batang lalaki, ngumiti siya sakin, grabe nakuha pa niyang ngumiti sa lagay niya ngayon lalapitan kona sana siya pero naunahan ako nung nagligtas sa amin, tinulugan niyang tumayo yung bata.

"Salamat po sa inyo, kailangan ko na pong umuwi." Mahinang sabi nung bata.

"Hindi ka uuwi, dadalhin kita sa hospital, sa tingin moba hindi maiiyak magulang mo pag nakita ka nilang ganyan." Napa yuko nalang yung bata sa sinabi niya.

"At ikaw okay ka lang ba?, gabi na pero nasa labas kapa hindi mo ba alam kung gaano ka delikado sa gabi lalo na sa mga babae." Napa tingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ako?" Parang ewan na sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Sino pa ba?" Sabi niya at nag lakad papunta sa kotse niya, sumunod naman ako.

"Ingat." Naka ngiting sabi ko.

"Anong ingat? Sakay, ihahatid kita" hindi nalang ako nag salita at agad na sumakay sa kotse niya tinabihan ko sa likod yung bata, ngumiti siya ulit sakin.

"Ate thank you po pala sa ginawa mo, kung hindi niyo po sila pinigilan baka wala na ako ngayon." Sabi niya kaya ngumiti ako sa kanya.

"Alam mo dapat sa kanya tayo magpasalamat, kasi kung di siya dumating baka kung ano na nangyari." Sabi ko, nakita ko naman sa salamin na nag smirk aiya, shet? Bat ang gwapo?

Nadala na namin yung bata sa hospital, pagkatapos magamot yung mga sugat niya, hinatid na namin siya agad at nag explain kami sa parents niya kung bakit ganon nangyari sa kanya, at ngayon naman ihahatid na niya ako, sa harap na ako umupo para maituro ko sa kanya kung saan yung condo ko, sa condo kasi ako matutulog ngayon saka anong oras na baka pinag lockan na nila ako.

Seryoso lang siya habang nag dadrive, grabe bakit sobrang perfect ng mukha niya? Yung face niya shitttt napaka gwapo tapos kitang kita ko pa yung collarbone niya naka v neck t-shirt kasi siya.

"Tapos kana?" Biglang tanong niya sakin.

"Huh?" Tanging nasabi ko.

"Wala." Maikling sabi niya at nag smirk na naman siya, gusto ba niya akong patayin shit naman.

"Ano nga pala name mo?" Sabi ko nalang ang awkward kasi, hindi siya nag salita at inihinto na niya yung kotse, napa tingin ako sa bintana andito na pala ako sa condo.

"Nako thank you ingat ka ah." Naka ngiting sabi ko at agad na bumaba ng kotse, agad naman niyang pinaharurot ito.

Sayang di ko natanong name niya pero sobrang familiar niya sakin.

•••••

Fuckboy | Lee TaeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon