•71•

110 17 0
                                    


Taeyong's POV

"Sa wakas makaka tulog na ako nang maayos." Sabi ni Taeil pagka sakay niya sa van, isang sasakyan nalang daw kasi gagamitin namin para hindi kami parang others.

"Yung buntis ingatan ah! Bawal ma stress yan!" Natatawang sabi naman ni Jaehyun, kaya sinapok naman siya ni Jeongyeon, pamwisit kasi ampt, nawala tuloy sa mood si Jennie.

"Inaantok pa ako! Pwede tabi kami ni noona?" Napa tingin naman ako kay Mark dahil sa sinabi niya, bakit ba kasi may bata dito?!

"Mas gusto ata akong katabi ni Nayeon, ako lang tatabi sa kanya don ka sa likod!" Masungit na sabi ko pero tumabi parin siya kay Nayeon, may karapatan ba ako? Hindi ko nga alam kung may kami eh, ang ending nasa gitna namin si Nayeon tapos hindi ko naman siya maka usap dahil kinukulit siya ni Mark at Haechan.

"Oh bat di mo ako pinapansin?" Naka ngiting sabi ni Nayeon sakin, shit bakit ba tuwing ngumingiti siya parang nababaliw ako, matagal din akong nag hintay na makita ulit yung matamis niyang ngiti.

"Ikaw kaya di namamansin!" Sabi ko, hindi siya nag salita pero isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko, Kikiligin naba ako non? Tangina naturingan akong maangas pero parang bakla na kinikilig ako dahil sa kanya.

"Bakit ba kasi may mga love birds dito?!" Biglang sigaw ni Johnny, naingayan ata si Jennie, bigla niya kasing sinapok si Johnny, uso ba manapok ngayon?

"Hysst sana all, sana kasama natin si Mark." Out of nowhere na sabi ni Sana, napa tingin naman sa kanya ang lahat except kay Taeil na nag da-drive.

"Kasama naman natin si Mark ah." Sabi naman ni Momo kaya napa irap si Jeongyeon.

"Si Mark Tuan kase tinutukoy niya hindi si Mark Lee." Sabat ko naman.

"Sus! Crush mo lang si Mark eh pakipot kadin kasi eh nung nililigawan ka binusted mo tapos ngayong lumayo na hinahanap hanap mo." May point naman yung sinabi ni Jennie kay Sana, may mga bago na kasing kaibigan ngayon si Mark, kaya hindi na siya sumasama samin.

"Sorry okay? Nitong naka raang buwan ko lang kasi na realize." Inakbayan nalang siya ni Momo dahil sa sinabi niya, at ayon di na nga kami nag ingay at nag usap usap, tahimik nalang kasi mga naka tulog na sila pwera sakin at kay Taeil na nag dadrive.

"Masaya pala mag swimming pag marami noh?" Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita.

Hindi ko feel mag salita ngayon.

Napa tingin naman ako kay Nayeon na nahihirapan sa pwesto niya, kaya dahan dahan ko siyang inakbayan.

Ang tagal kong hinintay yung pag kakataon nato, yung matitigan ko ulit ng malapitan yung mala anghel niyang mukha.

•••••

Fuckboy | Lee TaeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon