•102•

99 14 0
                                    


Nayeon's POV

"Hoy babaita! May bisita ka!" Naka simangot na sabi ni Jennie nang puntahan niya ako sa kwarto ko, tumango nalang ako at agad na lumabas.

Pag punta ko sa living room ay agad na bumilis yung tibok ng puso ko, parang nag sisi ako na lumabas pa ako ng kwarto ko.

"Nayeon." Tawag niya sa akin nang makita niya ako.

"Bakit?" Cold kong tanong sa kanya.

"Can we talk?" Ano pa bang pag uusapan namin? Yung kasal nila? Tangina naman!

"Taeyong ano na naman ba? Okay na diba? Masaya kana kaya sana naman hayaan mo din akong maging masaya! Wag mo akong bigyan ng dahilan para hindi sumuko, wag mong ipamukha sakin na mahirap kang kalimutan! Wag mo akong pahirapan! Sukong suko na ako pero yung puso ko hindi pa! bakit kaba ganyan?!" Umiiyak na sabi ko, hindi kona kasi mapigilan, hindi ko alam kung anong gusto niyang mang yari, para siyang ewan, ang gulo gulo niya, sasaktan niya ako tapos eto siya ngayon nangungulit na mag usap kami.

Lalapitan niya sana ako pero nagulat nalang ako ng biglang may sumuntok sa kanya.

"Jaehyun!" Sigaw ko at inawat ko siya, napa tingin nalang ako kay Taeyong na ngayon ay naka upo sa tiles at naka hawak sa gilid ng labi niya.

Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung ayos lang ba siya pero ayoko din at the same time kasi baka mas lalo akong mahirapan.

"Taeyong, umalis kana please." Sabi ni Jennie at tinulungan niyang tumayo si Taeyong at sinamahan palabas.

"Sorry, hindi ko mapigilan."

Tinanguan ko nalang si Jaehyun sa sinabi niya at bumalik na sa kwarto ko.

Bakit ba kasi ang hirap niyang kalimutan? Sana hindi nalang bumalik yung memories ko, de sana hindi ako nahihirapan na mag move on ngayon, sana hindi ganitong kalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

Napa buntong hininga nalang ako at sumilip sa bintana dahil sa mga iniisip ko.

Andito parin siya, andito parin si Taeyong.

Napa tago nalang ako sa gilid ng mapa tingin siya sa gawi ko, napansin niya siguro ako.

After 1 minute sumilip ulit ako sa bintana pero wala na siya.

"Bakit di mo pakinggan yung sasabihin nung tao?" Napa hawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Ano ba kasi gusto niyang sabihin? Eh wala naman na kaming dapat pang pag usapan." Sabi ko sabay harap kay Jennie na naka hawak pa sa door knob nung pinto.

"Alam mo kasi, masyado kang ma pride Nayeon, malay mo important pala yung sasabihin niya, malay mo may dahilan kung bakit niya ginagawa to, nakikita ko cous, nakikita ko sa mga mata ni Taeyong na mahal na mahal kapa rin niya, alam moba cous? Pag bumalik at humingi sakin ng tawad yung ex ko bibigyan ko siya ng chance at patatawarin ko siya, kasi gusto ko na may makilalang tatay si Jiro."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, tama naman si Jennie pinapa iral ko yung pagiging ma pride ko, nasaktan ako eh ganon talaga, pero dapat ko nga bang pakinggan yung sasabihin niya? Curious na tuloy ako ngayon dahil sa mga sinabi ni Jennie, curiosity is killing me right now.

•••••

Fuckboy | Lee TaeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon