MAVE'S POV:
Kasalukuyan akong nasa sala ng mala palasyong bahay ng kaibigan kong si Anya, Anya Suarez isa ang pamilya nila sa pinakamayan sa buong Santa Rita, kasalukuyang Mayor ang daddy niya kaya naman hindi na kataka-takang andami nilang bodyguards, ang Mommy naman niya ay isang sikat na designer, yung sa mga damit, alam ko may dalawa pa siyang kapatid pero nasa Amerika daw nag-aaral at dahil siya ang bunso at mahal na mahal siya ng mga magulang hindi siya pinayagang mag-amerika, nag-aaral kami sa Christ the King Academy na pag-aari rin ng pamilya nila, ang yaman nila di ba? lalo na ako?! joke! Ako nga pala si Mavery Belinda Miguel, 16 years old, mabait, hindi nama masyadong maganda, hindi din masyadong matangkad, mapagmahal sa pamilya at higit sa lahat mayaman ako, Oo mayamang-mayang ako sa PAGMAMAHAL ng aking mga magulang ahahahahah, pero seryoso, hindi ako mayaman, angnanay Belinda ko dito nagtatrabaho sa mansyon bilang katulong kaya alam niyo na kung paano kami naging magkaibigan ni Anya, halos dito na ako lumaki dahil sa tuwing walang klase sinasama ako ni Nanay para makatulong, alam ko may tanong kayo.... bakit ako nasa iisang school kasama si Anya ? huwag kayong mapanghusga, MATALINO AKO okay? kaya nabigyan ako ng iskolarsyep! sa ngayon parehas kaming nasa 4th year (guys balik tayo sa panahong wala pang K12) matalik kaming magkaibigan pero never kong inabuso yun dahil ayaw kung may masabi ang mga taong nakapaligid sa amin, sa school madalas akong pagtsismisan bilang "alalay" at hindi kaibigan ni Anya, hindi na lang namin pinapansin, lagi kaming magakasabay papuntang school dahil medyo malayo at may kotse naman sila kaya libre na ako sa pamasahe minsanan inihahatid ako ni Tatay Mario pero ang sabi ng Mr Suarez (daddy ni Anya) para may kasama lagi ang pinakamamahal niyang anak ay sabay na lang kami lagi pabor na pabor sa akin syempre! pepty pesos din ang pamasahe balika, pambili ko na yun ng papel at polvoron hehehe.
"Hoy!"
"Hep------Nanay naman eh! kakagulat po kayo!"
"Aba't kanina pa kita tinatawag dahil para kang baliw diyan nakangiting mag-isa!"
"Ah----hehehe--may iniisip lang po ako"
"Sino?!"
"Po?"
"Sinong iniisip mo? may boypren ka na ba?!"
"Wala po!" anyare ba sa nanay niya?
"Eh sino nga iniisip mo?!"
"Projects po! proyekto namin sa skwelahan"
"Ah----akala ko-------hindi ka pa eyten kaya bawal pa kang magnobyo!"
"hala siya! nanay wala pa po sa isip ko yan"
"Mabuti naman!----o eto--ingat kayo papuntang school ni Anya, sabihan mo nga pala tatay mo baka bukas na ako makakauwi" sabay abot sa akin ng sandwich
"Bakit po?"
"Darating ang mga kapatid ni Anya, may handaan"
"Ay ganun po, makatulong ba ako Nay?"