Chapter 3

202 8 4
                                    


MAVE'S POV:


4M Pa lang gising na ako, excited akong makita mga kapatid ni Anya, lalo na ang snickers hahahaha!


"Bata ka, kinikilabutan ako sa tawa mo! nakatakot kang pakinggan"


"tatay naman eh!"


"Bakit ba bigla ka na lang tumawa ng malakas!?"


"Ahehehe---wala po--sorry po"


"Magsaing ka na, maya-maya lang aalis na tayo"


"Tayo?" nagtatakang mas lumapit pa ako sa may sala


"Oo, off ko ngayon at may pupuntahan ako malapit sa CTK kaya idadaan na kita" 


"Akala ko pa naman makakakain na ako ng chocolates ng maaga" mahinang bulong ko at padabog na pumuntang kusina 


"Hoy Mavery! anong ibinibulong-bulong mo ha?!" 


"Wala po Tatay!"


"Parang meron eh!"


"Wala nga po, may minimemorize akong tula"


"Ah, sige-sige pag-igihan mo"


"Opo!

Akala ko pa naman makakakain na ako ng chocolates ng maaga"


Akala ko pa naman makakakain na ako ng chocolates ng maaga"


Akala ko pa naman makakakain na ako ng chocolates ng maaga"


Akala ko pa naman makakakain na ako ng chocolates ng maaga"


Akala ko pa naman makakakain na ako ng chocolates ng maaga"


6:30AM dumating na din si nanay kay naman dali-dali na akong lumabas ng bahay


"Belinda, dumating na ba mga anak ni Mayor?" si Tatay


"Oo, aba eh, ang gwapong bata ni Emriey! at ang ganda ni Evelyn!"


"Talaga po nanay? mababait po ba?"


"Oo naman, mababait naman talaga sila, yung Mommy lang nila ang hindi masyado"


"Hahaha, oo nga po, nakakatakot siyang tingnan"


"Mavery sumakay ka na!" tawag pa ni tatay kaya naman umangkas na ako matapos magmano kay Nanay tsaka ko lang napansin ang dala niyang dalawang paper bag

BubblyWhere stories live. Discover now