Stacy is her bestfriend's first girlfriend and yes, they broke up. Ayon sa bestfriend niya, napakaselosa nito at humantong pa daw na pati siya ay pinagseselosan. She even accused her as a threat to their relationship. At pinagbantaan pa ang kabigan niya na iiwan ito kapag hindi siya iniwasan.
But Joseph refused to believe with his ex girlfriend's accusations. And she didn't know if she will take it positively. Matutuwa ba siya dahil safe ang sikreto niya? O masasaktan dahil muling sinampal sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni Joseph? Ni hindi man lang ito nagduda kung bakit nasabi yun ni Stacy. Ni hindi man lang siya tinanong kung totoo ba yun.
Nope, dapat matuwa siya. Ang mahalaga, nakita na ng bestfriend niya ang tunay na kulay nito.
After Stacy, wala na uling naging girlfriend si Joseph kahit ang daming nagpapacute dito. Ayon dito, "Mas okay pang maging single, nasa iyo lahat ng oras mo, wala kang intindihin". She agree with him. Kaya sa loob ng buong school year, kapwa silang naging single at tinunoon ang panahon sa pag-aaral.
"Uy Gem, totoo ba 'tong nabalitaan ko?" parang nag-aakusang tanong ng kaibigan niya at dire diretsong pumasok sa bahay nila.
Nasa sala siya noon, nanonood ng tv habang kumakain ng chichirya.
Kunot noong binalingan niya ito.
"Problema mo?" pagtataray niya habang inaalis ang hiyang nararamdaman. Sinong hindi mahihiya kung wala kang kaayos ayos sa harap ng taong gusto mo? Ni hindi pa nga siya naliligo. "Bakit ba hindi ka kumakatok?"
"Bukas kaya yung gate nyo" pabalang nitong sagot. Bigla niya tuloy naalala na naiwan niya palang nakabukas yun dahil bumili siya ng chichirya kanina.
Palihim niyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Napansin naman niyang parang may hinahanap si Joseph sa paligid.
"Anong hinahanap mo?"
"Sila tita?" tanong nito.
"Nasa Ilocos kasama si dad. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Kakakita lang natin kanina a"
Tinaasan siya bigla nito ng kilay kaya napakunot ang noo niya.
"Ano naman yang kilay mo? Bakit nakatikwas yan?" puna niya.
"Magsabi ka ng totoo, may boyfriend ka na ba?"
Natigilan siya sa tanong nito.
"Huh? Pinagsasabi mo?"
"Hoy akala mo a! Narinig ko kila Billy. Pinag-uusapan nila na boyfriend mo na daw si Jett panget"
Natawa siya sa narinig. "Ano?"
Si Jett lang naman ang kaisa isa niyang manliligaw sa kanya kahit hindi siya nagpapaligaw.
"Sige, deny mo pa. Nililihim mo pa sakin huh. Akala mo hindi ko malalaman. Tsaka bakit si Jett? Ang panget panget nun. Ganon ba talaga ang mga taste mo?"
Natatawang hinampas niya ito ng unan. "Gago! Ang judgemental mo naman! Makapanget"
"Sige, ipagtanggol mo pa" Masama ang tingin nito sa kanya. "May boyfriend ka na pala, di ka na nagsasabi"
Nakangiting tiningnan niya ang mukha ng kaibigan.
Minsan, iniisip ko, sana nagseselos ka.
"Hindi ko boyfriend si Jett" paglilinaw niya.
"Weh?"
"Oo nga! Fake news yang narinig mo. At kung magkakaboyfriend man ako, di ba ang sabi ko, ikaw ang unang makakaalam?"
"Sus, totoo ba yan?"
Natawa siya sa tinuran nito.
"Oo nga! Bakit ba big deal sayo. Sige ka, iisipin ko niyan, nagseselos ka" kunwa'y biro niya pero alam niyang umaasa siya.
Na sana nga, nagseselos ito...
"Syempre, magseselos talaga ako. Kaibigan mo ko tapos may hindi ka pala sinasabi sakin. Na malalaman ko pang may boyfriend kana mula pa sa ibang tao"
Natawa siya.
Yes, he's jealous....but as a friend.
~~~~~~~~
Pagkagradute nila ng senior high school at pagsapit ng college, pinili nilang magkaibigan na mag-aral sa iisang university."Gusto kitang bantayan para makita ko kung sino sinong loko loko ang aaligid sayo" sabi pa nito sa kanya habang sabay silang nagpapaenroll.
She sighed
Sinong hindi aasa, kung kung ganyan siya?
Pero siguro okay na siya sa ganito, simpleng kilig, palihim na umaasa.
Magkaiba sila ng kursong pinili. At dahil college na, grabe grabeng kaba ang nararamdaman niya lalo na sa unang araw. Ang masaklap pa doon, dalawang araw lang ang schedule nila ni Joseph ang magkaoras. Lunes at Huwebes.
"Next" rinig niyang tawag ng professor. First day of school sa college, nag-iintroduce yourself kasi sila ngayon.
Naagaw ng atensyon niya ang pagtayo ng isang magandang babae. Naglalakad pa lang ito papuntang harapan, rinig na niya ang palakpakan ng mga kaklase niya lalo na nung mga kalalakihan.
"Hi! I am Rhian Garcia..."
Sana all maganda.
BINABASA MO ANG
BEHIND HIM
RomanceHanggang kailan mo kayang maging kaibigan lang sa taong matagal mo nang lihim na minamahal? Meet Gemini, ang babaeng martyr at marupok na na-inlove sa kanyang best friend slash kababata niya. Iikot ang kanyang istorya sa kung paano niya ililihim ang...