PROLOGUE

16 4 0
                                    

Gemini's POV

Siguro kung may award lang para sa kamartyran, katangahan at karupukan, siguro nahakot ko na. Wala na, may nanalo na.

Ganon ba talaga kasi kapag nainlove tayo sa isang tao? Dire diretso? Parang sasakyang walang preno? Yung tipong hahayaan mo na lang kung saan ka dadalhin ng puso mo? Bahala na kung mabunggo, Bahala na kung masaktan...kasi mahal mo.

Joseph's POV

Sana madali lang tukuyin kung sino ang 'the one'. Sana dinidiretso na lang agad tayo sa taong para talaga sa atin, yung nakalaan para sa atin. Sana wala nang pasikot sikot. Sana hindi na natin kailangang huminto sa maling tao. Para wala nang nabubulag, para wala nang nasasaktan, para wala nang ginagago.

Rhian's POV

Dadating na nga lang ang tunay na pag-ibig, sa maling pagkakataon pa.

Bakit kasi ang hirap? Ang hirap manakit lalo na kapag wala namang ibang ginawa yung tao kundi ang mahalin ka. Yes, I am selfish. Ako na ang makasarili. Gusto ko lang naman magmahal ng walang nasasaktan. Mali ba yun?

Matthew's POV

Niloloko na tayo pero minsan kinukunsinte pa rin natin. Nagbubulagbulagan tayo. Sinasaktan na tayo, nilalaban pa rin natin. Bakit? Kasi di ba mahal natin? Ganon naman talaga kapag nagmamahal diba?

Hangga't kayang ayusin, aayusin. Aayusin pa din kahit parang mag-isa ka na lang. Mag-isa ka na lang na lumalaban. Binubuhay mo pa rin kahit ito na mismo ang unti unting pumapatay sa puso mo.



~~~~~~~~
Prologue pa lang ang drama na. So if you want heavy drama, siguro papasa 'tong kwento na 'to dahil inaupdate ko lang talaga siya kapag malungkot ako. Inaalay ko ang kwentong ito, sa mga taong umaasa, aasa palang at patuloy na umaasa gaya ko (before yun lol.) Kung gusto niyong masaktan at malito, basahin nyo 'to please. Try nyo lang. Parang awa nyo na. Joke. Love lots!!!

BEHIND HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon