Malalim ang kanyang iniisip habang nakatingin sa mga bulaklak na nasa ibabaw ng mesa niya. Marami na iyon. Yung iba bago pa, yung iba malapit nang malanta.
Tumayo siya at pinulot ang iilang petals na natanggal na. Inipon niya yun.
She sighed, hindi niya alam ang gagawin.
She's happy but she shouldn't...
"Ma'am Rhian?!" rinig niyang tawag sa pinto ng kwarto niya. Mabilis na pinagbuksan niya ito at bumungad ang nag-aalalang si Melody.
Hindi pa man ito nagsasalita, alam na niya...
Lumipad ang tingin niya sa wallclock at nakahinga ng maluwag nang makitang maaga pa.
"Is he on outside?" tanong niya
"Yes ma'am, at gusto niya daw po kayong makausap"
Nanlamig siya bigla sa sinabi ni Melody.
Makausap? Isang linggo na ito ng nagpapadala ng bulaklak at ngayon gusto na nitong makipagkita at makipag-usap?
Muli siyang napatingin Kay Melody. Hindi alam kung papayag ba o hindi....
Pero sinunod niya ang puso. She want to see him badly. Isang beses niyang ginusto na magkapakita dito pero pinipigilan niya ang sarili dahil sa guilt. Lagi niyang inuutusan si Melody na ito ang kumuha ng binibigay sa kanya at dalhin agad sa kwarto niya.
"Sige, pakidala siya sa garden"
Pagkaalis ni Melody, nanghihinang isinara niya ang pinto at pinilit na pinakalma ang puso ng mabilis na tumitibok gaya ng nararamdaman niya noong mga nakalipas na taon.
~~~~~~~
Nanlalamig man ang kamay dahil sa kaba, hindi mawaksi ang ngiti ni Joseph habang iniikot ang tingin sa garden nila Rhian.
It is his first time in this place, inside her house. Sa tatlong buwan na naging sila ni Rhian, hanggang gate lang ng bahay nito ang narating niya...ni hindi niya mga nakilala ang mga parents nito.
Sayang...kung hindi lang sana siya nito iniwan.
Mas lalong nanlamig ang malamig na niyang kamay nang matanaw si Rhian na palapit as kanya. Ang lakas ng kabog ng puso niya. He remember the days he saw her at school parking lot. Yung kaba noong sinusubukan niya itong lapitan at kausapin.
Pakiramdam niya naulit. Pakiramdam niya, nahuhulog uli siya.
Nang iilang hakbang na lang ang layo nito, tinawid niya ang nalalabing distansya pagkatapos ay mahigpit itong niyakap. He feel her tensed pero hindi niya yun pinansin. Ito rin ang kumalas sa yakap at mukhang nag-aalalang tumingin sa kanya at sa paligid.
Naramdaman niya ang sakit sa inakto nito. Hindi na nga pala niya ito girlfriend...
"Pasensya na, nagulat lang ako" nakangiting paumanhin nito na may maamong boses. He missed that voice of hers!
"Ayos lang" sagot niya. Kinuha niya ang bulaklak at ang bear na pinatong niya saglit kanina sa mesa at inabot yun kay Rhian. "For you"
Nakangiting tinanggap naman nito iyon. "Nag-abala ka pa. Kakabigay mo lang kahapon"
He smiled at her. "Because I missed you"
"I missed you too, Joseph" sinsero nitong sagot na kinatuwa niya.
Gusto tuloy niyang itanong kung ayos na ba sila pero nakadama siya ng hiya.
Before, he used to be vocal to his feelings for her pero ngayon, nahihiya siya. Isang taon na rin kasi ang nakakalipas at pakiramdam niya, he needs to start again from beginning.
"Kamusta?" Sabah pa nilang tanong na kinatawa ni Rhian.
He smiled. He really loves watching her. Nakakakalma, nakakasaya. Sa simpleng tawa at ngiti nito, okay na siya.
"Kamusta na Joseph?"
"I'm good now" maikli niyang sagot. "Kasi nandito ka na ulit..."
Mukhang natigilan ito sa sagot niya at kapansin pansin ang unti unting pamumula ng pisngi nito. May epekto pa rin pala siya rito...
"Ang corny mo..."
"Sinabi ko lang naman yung gustong sabihin ng puso ko" banat niya
She laughed. "You've never change!"
"Yes, kahit nga siguro yung feelings ko sayo, hindi rin nagbago e." hirit niya pa pero imbes na tumawa gaya kanina, tumingin ito sa kanya ng seryoso. Hindi niya mabasa ang ekspresiyon nito
"Why?" nag-aalala niyang tanong.
"Wala..."
I sighed. "Can I ask something, Rhian?" kinakabahan niyang tanong
"Hmmm.."
He reached her hand. Tahimik lang si Rhian, pinapanood ang gagawin niya.
"Can we start all over again?"
Naramdaman niya na parang natigilan ito pero nagpatuloy siya.
"Can I court you again, Rhian?"
BINABASA MO ANG
BEHIND HIM
RomansaHanggang kailan mo kayang maging kaibigan lang sa taong matagal mo nang lihim na minamahal? Meet Gemini, ang babaeng martyr at marupok na na-inlove sa kanyang best friend slash kababata niya. Iikot ang kanyang istorya sa kung paano niya ililihim ang...