CHAPTER EIGHT

2 2 0
                                    

"R-rhian"

Lakas loob at nauutal niyang tawag sa kaklase niya. Kahit ata boses niya, ayaw makisama.

"Yes?" paglingon nito sa kanya na sinabayan pa nang paghangin sa buhok nito na akala mo ay nagshu-shoot ng isang tv commercial.

Sana all.

"Uhm.." nagdadalawang isip siya. "Gusto mo bang sumabay sa'min ni Joseph maglunch?"

She tried to avoid eye contact. Alam kasi niyang tumututol ang mata niya sa sinasabi ng bibig niya.

"With Joseph? Sure." nakangiting pagpayag nito.

Nagulat siya.

Wow huh? Di manlang tumanggi. At mukhang Kay Joseph lang siya interesado.

But why not? Gwapo ang kaibigan niya. At maraming nagkakandarapa dito.

At maganda si Rhian.

She shooked her head at binalik ang tingin Kay Rhian. Nakatitig ito sa kanya and she felt it very awkward.

"Tara" aya niya. Medyo nauna siya dito at nanatiling nakayuko habang naglalakad palabas ng classroom.

"Hey!" Bati sa kanila ni Joseph.

Pinagmasdan niya ang mukha ng kaibigan. Nasa mukha nito ang hiya pero he looks very happy lalo na nang magawi ang mata nito kay Rhian.

She felt like crying but she shouldn't. Paikot ikot tuloy ang mata niya para ibaling sa ibang bagay ang atensyon niya.

Kapag kasi mas nakikita niya, mas lalo siyang nasasaktan.

Pero Hindi lang yun isang beses na nangyari. Every Monday and Thursday, nagkakasabay sabay silang kumain. They look like bestfriends pero alam naman niyang third wheel lang siya.

And there is something off she can't explain with Rhian. Hindi niya ito feel. Hindi niya alam dahil ba naiiinggit siya...pero may hindi siya gusto na Hindi maipaliwanag. Kinakausap at pinapansin lang siya nito kapag kasama nila si Joseph. Pero kapag Hindi na gaya sa classroom? They look like a total strangers to each other.

But ika nga, everything has its limitation. May hangganan ang pananakit sa sarili. One day, she refused to join them. Lagi niyang dinadahilan na may gagawin siya pero ang totoo, gusto na niyang umiwas. Nahihirapan na kasi siya. Pakiramdam niya, Hindi na niya kayang magpanggap pa ng matagal sa mga harap nito. Baka kasi magulat na lang ang mga ito na umiiyak na siya.

Pinunasan niya ang namumuong luha sa mata.

"Girl, ayos Ka lang?" tanong sa kanya ni Missy, ang new found friend niya. Tumango lang siya.

"Hayaan mo na Gem. Ganon talaga e, may mga taong Hindi talaga para sa atin" payo nito.

She smiled bitterly. Bakit ang sakit ng pagkakasabi niya?

Missy already know about her feelings for Joseph. Hindi naman niya inamin dito pero napapansin pala nito kaya Hindi na niya tinanggi pa. Blessing in disguise na rin dahil ito ang nakikinig sa kanya kapag nasasaktan siya.

"GEM.."

Ganon na lang ang gulat niya nang may lumapit sa mesa nila ni Missy. Lihim niyang pinunasan ang mata niya at nakangiting nag-angat ng tingin. "Hoy!"

It's Joseph.

"Aba nandito Ka lang pala! Ilang linggo na kitang hindi nakikita a. Hindi Ka na sumasabay sa'min maglunch. Hindi Ka na rin sumasabay sakin papauwi at papasok ng school" kumunot ang noo nito. "Are you avoiding me, Gem?"

She faked a laugh.

"Hindi"

"Weh?"

"Hindi ako umiiwas, okay? Tinutulungan na nga kita kay Rhian e" at tinutulungan ko ang sarili ko. "Paano Ka makakaporma niyan kung kasama mo ako palagi?"

"Right. I must be thankful" Nagawi ang tingin nito sa kasama niya. "Who is she? Your friend?"

She smiled. "Yep. Missy. My NEW BESTFRIEND" she really emphasized the word 'bestfriend'. Umakto itong nasasaktan.

"Ouch. Pinagpalit mo na ko? I'm jealous!"

"Heh!" kunwa'y inikot niya ang tingin sa canteen. "Si Rhian?"

"Powder Room. Sa labas namin balak maglunch"

She cleared her throat. "Ah okay." Iniwas niya ang tingin. Naramdaman naman niya ang kamay ni Missy na humawak sa kamay niya sa ilalim ng mesa na para bang pinapalakas ang loob niya. "Ano pang ginagawa mo dito? Doon Ka na kanya" kunwa'y biro niya.

"Ah yeah.. By the way, thank you, Gem"

Napakunot ang noo niya. "Saan?"

"Pumayag na kasi si Rhian na ligawan ko siya"

"T-talaga? Nice. C-congrats"

BEHIND HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon