Kabanata II

79 3 0
                                    


Kabanata 2

Tahimik lamang kumakain si Pizzie, habang ako ay naka tulala lamang tinutusok tusok yung pagkaing nasa harapan ko

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung nangyari kanina inaalala ko kong saan ko ngaba nakita yung lalaking yun pamilyar kasi sya sa akin

"Hooy Aestle anong drama yan ah? Ano pakatapos awayin kunwari nawalan ng gana tas ano sunod" pangaasar ni Pizz

"Alam mo Pizza iniisp ko lang yung nangyari kanina parang pamilyar kasi sakin yung lalaki, yung jowa nung Ally" saad ko habang nakatulala parin

"Duhh anong Pizza it's Pizzie 'Piz-zie'" mataray nyang Sabi

"Okay Pizz alam mo pamilyar talaga sakin yung lalaki kanin--"

"Heyy stop calling me Pizz ampanget papunta nang ipis eh, tawagin mo nalang akong 'Zie'" tinaasan nya lamang ako ng kilay

"Alam mo dapat Pisti nalang pinangalan sayo ng magulang mo eh dami mong arte" sarkastikong saad ko

"Duh whatever"

Tamo to sarap tusukin nang tinidor yung pagmumukha netoo tirikan ba naman ako ng mata mahanginan ka sanang babae ka

"So ano nga ba yung sinasabi mo kanina na parang pamilyar sayo yung guy na boyfriend nang bruha?"

"Ayun kasi ikekwento ko na sana, eh kaso andami mong arte" saad ko

"Kwento mo nalang kasi"

"Ayun kasi yung lalaki kanina parang pamilyar kasi sya saken para bang nakita ko na sya" saad ko habang iniisip ko kong saan ko ngaba nakita yung lalaking yun "Kung humarap Lang yun kanina sigurado nakilala ko yun eh kaso nakatalikod eh"

"Baka naman naging ex mo yun?"

Pinanlakihan ko sya ng mata "temang hindi"

"Oh baka nakalandian mo talaga siguro yun dati" dagdag pa nya

"Hindi nga utak mo Pizzie ah, kumain ka na ngalang kung ano ano pinagsasabi mo eh"

"Susss"

Hindi ko na sya pinansin pa at pinagpatuloy nalang pagkain, malapit na kasing matapos yung break namin at maguumpisa na Ang susunod naming klase

Natapos ang buong klase namin nang wala akong naintindihan, hanggang ngayon Kasi ay iniisip ko parin kung saan ko nakita yung lalaki kanina haysss pisti bat ko ba naman kasi pinagiisip yun dapat wala naman akong pake alam sa kaniya eh sa kanila nung nobya nya tss

Tahimik lamang akong naglalakad, napatingala ako nang may narinig akong nagsisigawan hays sa sobrang dami kong iniisip diko manlang napansin na nasa harap na pala ako ng bahay namin, diko panarinig yung sigawan sa loob hindi ko pa mamamalayan.

Napabuntong hininga na lamang ako sabay tuluyan ng pumasok sa loob ng aming bahay

"Anoo tutunganga nalang kayo dyan? Magluto na kayo at nagugutom na ako mga walang silbi" malakas na sigaw ni papa Ang bumungad sa akin pag pasok ko palang sa bahay

Dederetso na sana ako papasok sa aking silid ng biglang tinawag ako ni papa

"Hoy bat ngayon kalang, Yan ba tamang uwi ng isang babae? Ha san ka galing?"

When I found himWhere stories live. Discover now