Kabanata 5Ang bilis talaga ng oras, exam day na namin ngayon kaya abala ang mga estudyande
Nasa loob na ako ng aming classroom kumpleto na rin kaming magkakakaklase, nakukumoleto lang talaga kami tuwing exam. Mayroong kanya kanyang mundo ang mga tao sa room ang iba ay nagkekwentuhan lang ang iba ay nagrereview yung iba ay tamang ingay lang, ang aking magaling na kaibigan naman ay busy sa kanyang cellphone kausap siguro boyfriend nya kanina ko pa sya pinagsabihan na tigilan muna ang cellphone at magreview na pero di sya nakinig kaya hinayaan ko nalang
Pinagpatuloy ko nalang ang pagrereview ko habang inaantay ang gurong magbabatay sa amin
Natahimik na ang buong klase ng nagumpisa na ang pagsusulit, naging maayos ang ang buong exam hindi lang talaga maiiwasan ang ingay dahil yung iba ay namomroblema dahil walang maisagot kelangan pang mangopya
Pakatapos magtake ng exam ay dumeretso na kami ni Pizz sa canteen para maglunch wala na rin kaming pasok mamayang hapon dahil half day lang tuwing exam
Naupo na kami sa madalas naming inuopuan,
"Iyaaa ditoo" tawag ko, dahil nakita ko syang mag isa
Lumapit namansya sa amin kaso ngalang ay para bang nahihiya
"Wag ka nang mahiya Iya kami lang naman to hahaha" pang aasar ni Pizz, itong babae talagang to nako
Nginitian lamang kami ni Iya at hindi na nagsalita pinagpatuloy nalang namin ang pagkain
Pakatapos kumain ay nagpaalam na rin si Iya na uuwi na, sumunod rin naman Pizz dahil may pupuntahan pa raw sya ayaw naman sabihin kong saan tss for sure sa magkikita lang sila nung boyfriend nya
Nang umalis si Iya at Pizz ay naisipan ko na rin na umuwi para makatulong kay mama
Maaga pa naman at hindi naman kainitan kaya naisip ko na maglakad nalang pauwi
Ang lalim ng inisip ko habang naglalakad kaya hindi ko namalayan na may kasabay na pala ako sa paglalakad, nagulat pa ako ng mapagtanto ko kung sino ito
"Hi" nakangiti nyang bati
Simpleng hi lang naman yung sinabi nya pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Idagdag mo pa yung maganda nyang ngiti na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, hayss ayoko naa
"Hmm" tinanguan ko lamang sya dahil diko alam kong anong sasabihin ko
"Bat mag isa ka lang asan yung kabigan mo?" Tanong nya nang andun parin ang kanyang mga ngiti
" A-ahh may pinuntahan pa" mautal utal kong sabi, si Javen lang naman ang kausap ko pero bat ganito ang nangyayari sa akin?
"Ahh, kung ganon pwede makisabay?"
Tinanguan ko lamang sya, okay nayun kesa naman mautal pa ako kapag nagsalita pa ako
Tahimik lamang kaming naglalakad, walang nagsasalita, gusto ko syang kausapin pero diko naman alam kong ano ang sasabihin ko
"Ahh asan nga pala si Ally bat hindi mo kasama? Bat ka naglalakad lang?" Hindi na ako nakatiis ako na rin ang unang nagsalita
" Ahh may sundo sya hindi kasi pwedeng maglakad o mapagod man lang yun" sagot nya nang may ngiti parin sa labi
"Hmm bakit naman?" Curious na tanong ko
Hindi na sya sumagot nginitian lamang nya ako, hindi na rin ako magtanong pa mukang ayaw nya rin namang sagutin
YOU ARE READING
When I found him
RomanceSabi nila mahirap makakita ng taong seryoso, pano kung nakakita ka nga pero di naman ako yung para sakanya, Kasi may Mahal na syang iba. Nakakita lang talaga ako ng lalaking seryoso pero hindi naman ako yung gusto.