Kabanata 4Ilang araw na lamang ay mag eexam na, kailangan na ng puspusang pag aaral
Puro pag aaral lamang ginawa ko ngayong linggo lagi akong tambay sa library dahil sa makalawa ay magsisimuka na nga ang aming pagsusulit
Andito ako ngayon sa library dito ko naisipan na magreview dahil panigurado hindi ako nakakapag aral ng maayos kapag nasa bahay ako, sobrang ingay sa bahay kala mo palaging may gyera eh puro talak ni papa naririnig ko
Diko kasama ngayon si Pizz nasa canteen sya ngayon biglang ginutom eh kaya ayun
Nasa kahitnaan ako ng nagbabasa ng may bigla akong narinig na ingay ng nalaglag na libro napadako agad ang paningin ko kung saan ito nagmula
"Shhh" paninita ng taga bantay
Nakita ko ang isang babae sa isang gawi na nagpupulot ng mga nalaglag na libro may suot itong makakapal na salamin na matatawag mong nerd
Nakita ko sa di kalayuan sa kanya ang grupo ng mga kababaihan na masama ang tingin sa kanya
Tss mukang alam ko na ang nangyari, Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan ko na Ang babae upang tulungan sa pagpulot ng mga nalaglag na libro
Nagulat pa sya sa biglang paglapit ko, hindi siguro inaasahan na mayroong lalapit sa kanya at tutulungan sya well isa syang nerd kaya madalas mabully
"Tulungan na kita" ani ko sabay pulit ng mga libro
"S-salamat pero okay lang kaya ko naman" medyo nahihiya nyang tugon
" Okay lang medyo madami dami to Kaya tulungan na kita" nakangiti kong sabi sa kanya
" H-hmm sige maraming salamat Aestle"
Nagulat pa ako ng banggitin nya ang pangalan ko, pano naman kaya ako nito nakilala ganon ba ako kasikat kahit mga tahimik na tao eh alam ang pangalan ko? Isinantabi ko nalamang ang pagkabigla ko at tinuloy ko nalang ang pagpulot ng libro
"Hmm dika man lang tinulungan nung mga babaeng yun mukhang sila naman may kasalanan kung bat nalaglag tong mga libro hindi ba?"
" A-hh dinaman siguro nila sinasadya tsaka kaya ko naman eh" nahihiya nyang tugon
" Minsan makakasama ang sobrang pagiging mabait baka abusuhin ka naman ng iba tulad nila" paalala ko sa kanya
"Hmm di naman siguro"
"Hays osya osya, ay teka ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya
" Ahh Iya, Iya Reavantes" pagpapakilala nya
" Ahh by the way, nagrereview karin ba ngayon?"
" Ah oo"
" Gusto mo sabay ka nalang sakin kasama yung kaibigan ko?" Pagaanyaya ko sa kanya, mukha pa syang nahihiya pero pumayag na rin naman
"Kung okay lang sa kaibigan mo?"
"Nako okay na okay lang yun, Tara dun tayo Wala pa si Pizzie may binibili lang sa canteen pero dadating na rin yun"
YOU ARE READING
When I found him
RomanceSabi nila mahirap makakita ng taong seryoso, pano kung nakakita ka nga pero di naman ako yung para sakanya, Kasi may Mahal na syang iba. Nakakita lang talaga ako ng lalaking seryoso pero hindi naman ako yung gusto.