Kabanata III

66 3 0
                                    

Kabanata 3

Biglang nagising ang diwa ko ng marinig ko na ang salitang dismissed sa aking guro, oras na Kasi ng pagkain at mayroon pa akong dalawang klase sa hapon, pakiramdam ko ngayon pagod na pagod ako ket naka upo lang naman ako habang  nakikinig hays

Inayos ko nalang ang mga gamit ko, para makapunta na ulit sa canteen syempre kakain na ako nagutom ako sa mga lesson namin ngayon eh hays hirap maging estudyante

Ako walang gana sa pag aral ngayon habang tong katabi ko parang naka enervon eh ganadong ganada ano kaya nakain neto panis na kanin yata

"Uyy" tawag ko kay Pizz sabay siko sa tagiliran nya "ano ba talagang nangyari sayo ah? Nakadrugs ka nanaman siguro ano?"

"Tuleg hindi, masaya lang talaga ako ngayon" usal nya, hindi talaga maitago ang kasiyahan nya,

Mababaliw nako kakaisip ng dahilan Kong bat to masaya di kaya?.

"Nanalo kaba sa lotto?" Masaya kong Sabi sa kanya

"Tanga hindi, hindi nga ako tumataya don eh  pano ako tatama aber?" Pasiring nyang Sabi

"Eh bat nga Kasi ganyan ka ha? Jusme dipa sabihin eh"  unti nalang talaga masasapok ko na ito eh dipa sabihin

Pinagmasdan ko nalamang sya hmm, nakangiti  habang naka tingin sa screen ng kanyang cellphone mukang may text, at Sino Naman ang kausap ng bruhang to?

Napatigil ako sa pagiisip ng dahilan ng biglang mayroong pumasok na ideya sa aking isipan hindi kayaaa?

"Hoy babae wag mong sabihin na kayo na ulet ng wala mong kwentang ex?" Paglang talaga Tama ang hinala ko nako

" Hu-hh" nauutal nyang sabi

Nalintikan na nga

"Nako naman Pizz dika pa talaga nadala sa ginawa nya sayo ha?"

"pinilit nya kasi aking makipagbalikan eh"

" At nakipagbalikan ka naman?" Medyo galit kong saad

" Aes naman hinaan mo lang boses mo nakakahiya pinagtitingnan tayo eh" saway nya sa akin

Napatingin ako sa paligid, nakuha ko nga ang atensyon ng iba, napabuntong hininga nalamang ako

"So bakit nga panong nangyari na kayo na ulit? Panong pinilit ka? Ha?" Hininaan ko na ang aking boses nahiya din Naman Kasi ako mamaya masabihan pa ako ng attention seaker ito kasing babaeng to eh nagpaka tanga nanaman

"Hinay hinay lang sa tanong Aes sasabihin ko rin naman sayo eh"

" At kelan mo balak sabihin aber?

"Kapag good mood ka na hehe"

"Kanina good mood ako ngayon Hindi na Pizz" galit kong Sabi sa kanya

" Sorry na kasi Aes alam ko kasing magagalit ka eh,pramis sasabihin ko talaga sayo naghahanap Lang talaga ako ng tyempo para sabihin sayo eh"

" Kelan pa?" Tanong ko

" Hmm kagabi lang"

" So bakit nga?"

"Mahal ko pa kasi eh" nagbaba sya nang tingin ng sabihin nya yun

" Ayun naman pala kaya napilit kasi ginusto din" kailangan nya nga sigurong masapok para magising na itong bruhang to

When I found himWhere stories live. Discover now