chapter one

29 2 0
  • Dedicated kay Seth Doreen Mendribe
                                    

Ang sikat araw ngayon. Hindi masyadong mainit, hindi din sobrang lamig. Simpleng… and sarap maglakad sa ilalim ng araw. Kagagaling ko sa eskwela at kailangan ko pang bumili ng mga materyales para project namin. Ipapasa kase sa susunod na linggo at marami pang dapat gawin. Alam kong cramming na pero eto ako eh… di umaandar tong utak ko kung hindi pa tensyonado ang oras.

Ahy, di ko namalayan, nandito na pala ako sa National Book Store. Bumili ako ng ilang drawing tools at libro na makakatulong sa project ko… oo nga pala, architecture pala ang kurso ko at nag-aaral ako ngayon sa Sanfelle University. Ooops! Take note:  Academic Scholar ako. Baka isipin niyo, mayaman ako huh. Regular lang ang buhay ko. Yung parents ko ang hindi. Businessman sila. Mahilig sila sa mga hotel, restaurant at mga Resorts. Kaya nga sa pagka hard-worker nila, may tatlo kaming restaurant dito sa Manila, tatlo pang restaurant sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at may lima kaming resort. Isa na doon ay nasa Cebu.

Ang yaman ng mga magulang ko noh? Pero sa sobrang yaman nila, hindi na nila ako naalagaan. Hindi nga sila umuuwi sa bahay eh. Siguro, mga twice a month lang nila ako binibisita. Okey lang sana kung binubuhos nla ang mga araw na iyon sa akin na hindi na iistorbo ng trabaho, pero hindi eh.  Kahit na magkasama kaming kumakain sa hapagkainan, may kanya-kanya silang kinakausap sa telepono. Mabuti pang, huwag nalang silang umuwi.

Teka hah. May tumatawag kase. “oh, mang Greg. Anong meron?” tanong ko sa driver namin na slash… tatay-tatayan ko.

“saan ka ngayon? Nasa paburito mong branch ng book store ka ba? Padaan kase ako jan, baka gusto mong sumabay ka na saken.” Sabi niya.

“pano mo nalaman?” tanong ko na para bang nalaman kong may stalker ako sa paligid na di ko namamalayan. “nandito ka bas a paligid? Pinagmamatyagan mo ko!?... wala ka bang tiwala sa akin na hindi ako magdodruga, Itay? Wala akong ginagawang masama!” sabi ko habang hinahawakan ang dibdib ko na para bang naakusahang may kasalanan.

“alam mo Yang, ang oa-oa mo. Tsaka, ayaw kitang maging anak noh. Masyadong halata.  Ano kayang iniisip ng mga tao jan sa paligid mo? Baka sa mental na kita sunduin niyan!” pabiro niyang sinabi.

“paki ko bas a kanila, hindi naman nila ako maintindihan kase mga shunga silang lahat. Hello?... nasa mental kaya ako… joke! Sige na, sunduin mo na ako, nandito ako sa national book store. Dito sa may Ayala” patawa kong sinabi pagkatapos ko siyang narinig na tumatawa. Binaba na niya ang telepono bago sinabing nasa parking lot daw siya ng mall.

Nakita ko na ang sasakyan namin at lumapit ako agad pagkatapos ay inilagay ang mga pinamili ko. Nang bigla akong may naalala.

“ may nakalimutan ka?” tanong ni Mang Greg na parang kilalang kilala na ako. Ahy, malamang, 12 years ko kaya siyang kasama eh. Helo? Ikaw kaya?

“ikaw huh, napapansin ko, pinapangunahan mo na ako… oo na, nakalimutan kong bilhin na libro. Yung nirecomend ng author sa nabasa kong novel, online. Tsaka bibilhin ko rin yung novel na yun”

“ba’t bibilhin mo pa eh pwede naman palang basahin online?” tanong niya

“ahy, Itay… ‘wag kang choosy. Ano pang silbi ng pagiging book collector ko kung hindi ko macocollect lahat ng nabasa ko. Tsaka, mas gusto kong tignan ang library ko na maraming libro.” Sabi ko na may gesture pa ng kamay habang ini-imagine ko ang library ko na nasa kwarto kong puno ng libro at lahat ng ‘yon ay nabasa ko na.

“ewan ko sayo. Kahit kalian, hindi ko maintindihan yang pagka-adik mong yan. Buti di ka mukang adik”

“uhm… I’ll take that as a compliment and thank you. Atleast, hindi druga…aminen” sabi ko habang kinukulit siya.

Ganito talaga ako. Hindi ako nawawalan ng sasabihin. Siguro, pagkidnapin ako, isosoli ako ng kidnaper dahil sa kadaldalan ko. Di natin alam, baka ihatid pa ako ng kidnaper sa mismong bahay naming upang di lang sila mabwusit. Hmp… that’s me.

*

Nainip na siguro yun si Mang Greg. Hindi ko alam kung gaano na ‘ko katagal sa loob basta’t ang alam ko, nakita ko ang barkada ko sa loob ng hindi man lang ako na inform na naglakwatsa pala sila and I feel hurt, you know. Chucks lang! nakipag chika lang ako ng konte… and me talking about konte, ‘wag kang maniwala doon. Lalong-lalo na kung kasama ko ang mga girlfriends ko.

Palabas na ako ng building at hawak-hawak ko na ang book na binili ko. ‘Must Date the Playboy’. Yeah, nabasa ko to online pero gusto kong may copy nito kase nakakaiyak at the same time nakakabwisit sila sa kakitiran ng utak nila. At nabasa ko na ang sequel nito na ‘Must Hate the Playboy’ hindi pa nga lang siya tapos pero tatlong beses na ako umiyak. Tsaka, ang isa pang libro na binili ko ay ‘Daphne du Maurier’ Rebecca daw yun sa ingles-- Ahy! May mamang lumapit bigla. Wait…

Ang wallet ko.

“HOY! IBALIK MO ANG WALLET KO!” hinahabol ko yung mamang magnanakaw. At take note: hindi para sa pera, limangpiso lang kaya laman nun. Sukli sa binili kong libro. Hinahabol ko siya para sa wallet ko noh. ‘Adveture Time’ kaya yun. Nandun ang animated picture ni Marceline at Princess Bubble Gum na magkasama. Tsaka gift yun ng Crals ko. Crals=tawagan ng aming barkada which means, ‘Crazy Girls’

Hinahabol ko si kuya nang biglang may nabangga ako. “ayps! Sorry sorry. Sorry po” paumanhi ko sa sinumang nabangga ko.

“Shit! Could this day get anymore worse?” pabulong na parang pasigaw na sinabi ni kuyang nabangga ko.

“kuya sorry talaga” kinuha ko yung box at binigay sa kanya. Nakita ko ang mukha niya at… infernes, may dating si kuya. Mukhang magkaidad kami at makinis. Kutis mayaman at-- Alvinia, focus! Yung wallet mo!and it hit me to realityConsensya?... “kuya sorry talaga, may hinahabol lang po ako. Sorry” at iniwan ko na si kuya doon. Teka… J.Co ba yung box na yun? Hay nako kuya, sorry… wala akong pera pamalit niyan ngayon. Tsaka, nka box naman yan kuya kaya pwede pa yang kainin. Wallet lang meron ako at hinahabol ko po yung kumuha ng wallet ko. Di bale kuya, pag nagkita tayo ulit, babayaran kita.

“Hoy!” hinablot ko ang bag ni mamang magnanakaw at kinuha ang ang wallet ko. “kuya! ‘wag kang KJ. Wallet ko yan!” nakita ko ang mga pulis ng di malayuan. At papunta sila sa kinaroronan ko. “kuya, hulihin niyo ito, ninakawan pa naman ako ng wallet” sabi ko sa pulis. Kinuha nila si mamang magnanakaw at sinabi ko “ kuya, sa susunod, pag magnanakaw ka, maghanap ka ng back up. Hindi yung takbo ka ng takbo. Walang epek ang walang modus ngayon… utak kuya, please”

Umalis na ako pagkatapos noon. Pulis na ang bahala sa kanya. Mukha naman siyang beginner. Kase, walang bonet, walang kasabwat at saka naka tsanelas lang. Nakapos lang talaga siguro si kuya. Buti naka rubber shoes ako at jogging pants tsaka may hood na jacket. Teka… anong buti? Eh ganito naman talaga ako manuot. Makakalimutin na talaga ako.

*

“Sensya na mang Greg huh, na late lang ng konte” Sinabi ko na may puppy smile para hindi siya mainis saken. Ikaw kaya maghintay ng mahigit sa dalawang oras na ang akala mo, ilang minuto lang.

“di ko lubos malaman kung bakit di pa ako nasanay” tanging sagot lang niya habang minamasahe ang ulo niya. At ako, ngiti nalang dahil nakalusot ako. Maniniwala na talaga ako na may kapangyarihan itong ngito ko. Evil Laugh.

****

one thing that i've learn while reading author's note here in wattpad is 'keep on writing stories no matter how many people read it. just jeep writing about your story maybe not for your followers but for yourself' :) also 'you'll learn writing from reading'... so this story is dedicated to my awesome imagination and inspired by the people around me. my only wish for this Christmas is to finish even one story here in wattpad :)

Love or Friendship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon