Chapter 1

4.7K 82 3
                                        




Napadilat ako bigla nang may kumalabog sa pinto na parang may gyera sa labas. Kakatulog ko pa lang ng mga apat na oras at umaasa pa naman akong makaka-eight hours ako—pero mukhang hindi na mangyayari 'yon.

Dali-dali akong tumayo, inaantok pa pero ramdam ko na ang kaba, at binuksan ang pinto. At tama nga ang kutob ko—ang napakagandang landlady kong si Ate Consing, pero ngayon, mukhang aswang na gutom sa almusal.

"Oh anuna Lucia? Magbibingihan na lang ba tayo dito? Ilang araw mo na akong iniiwasan, ha? Magdadalawang linggo na tayong walang bayad sa renta! May plano ka pa bang magbayad?!" sigaw niya, galit na galit.

Ugh. Ngayon pa talaga, Ate? Wala na ngang laman ang wallet ko, tapos wala pa ring tumatawag sa'kin from any hospital. Lord, bakit?

"Uhmm Ate Consing naman!" sagot ko, pilit kong pinapakalma ang boses ko. "Hindi ko po kayo iniiwasan. Sobrang busy ko po kasi—nagta-trabaho na ako ngayon sa ospital. Alam niyo naman po kung gaano kahirap maging nurse, 'di ba? Yung anak niyo nga na student nurse pa lang naiintindihan na yung hirap. Sa sobrang busy ko, nakalimutan ko lang po mag-withdraw. Pero promise, bukas po magbabayad ako." Sabay ngiti ng ubod ng bait. Sana maniwala, please lang!

"Talaga, ha? Hindi mo ba ako niloloko, Lucia?"

"Bakit ko naman po kayo lolokohin, Ate Consing? At kung sakali pong may tanong anak niyo sa course niya, willing po akong tumulong." Dagdag ko pa, sabay kindat. Galing mo Lucia.

"Oh siya. Bukas ha. Sisingilin talaga kita!" sabay talikod at alis.

Agad kong sinarado ang pinto at napa-slide pababa sa sahig, parang nauupos na kandila.

Saan ako kukuha ng ₱2,500 para sa renta? Wala pa ring ospital na tumatawag. Ayoko naman talaga sa public hospital. Hindi sa choosy ako, pero aminin na natin—sobrang toxic ng environment. Kulang sa staff, kulang sa pasyente—ay mali, sobra pala. Kulang sa pasweldo!

"Shit!" Bigla akong napatalon nang nag-ring ang cellphone ko. Sino nanaman to?

"Hello?"

"Lucia! I have good news!" boses ni Kris, college friend ko.

"Ano Kris? Ba't ka tumatawag ng ganitong oras?"

"Girl! Yung Fajardo Medical Hospital kung saan ako nagtatrabaho, naghahanap pa ng nurses! Tumatanggap sila ng fresh grads! Magbubukas kasi ng bagong branch!"

"OH MY GOD?! FAJARDO?! Kris seryoso ka?!"

"OO! Kaya bumangon ka na, ayusin mo sarili mo, at please lang ha—WAG KA NA MAMILI NG FIELD. Kung saan ka i-assign, tanggapin mo!"

"Okay, okay! Maliligo lang ako!"

"Goodluck Elle! Kayang-kaya mo 'yan!"

Nagmadali akong maligo, nag-ayos, at humarap sa salamin. Suot ko ang white sleeveless blouse, black blazer, at pencil skirt. High ponytail para fierce. Parang ready na akong manalo sa Miss Universe at magpasa ng resume sabay.

Nung college, marami akong admirers—mga gwapo, matalino, may kotse pa nga 'yung isa. Pero wala akong sinagot. Wala akong time para makipaglandian. Working student, scholar, tutor, thesis maker—lahat ginawa ko para mabuhay.

Wala na rin akong pamilya. Namatay ang tita ko nung second year ako. Siya lang ang nagpalaki sa akin. Since then, ako na lang mag-isa. Hindi ko rin alam kung buhay pa yung biological parents ko.

Paglabas ko ng boarding house, as expected, maraming mata ang nakatitig. Yung iba may pa-whistle pa. Catcalling here and there, pero wala akong pakialam. Hindi nila alam kung anong pinagdadaanan ko. Wala akong time sa mga walang kwentang tingin.

Sumakay ako ng jeep. Medyo awkward kasi naka-heels at pencil skirt ako, pero tiis-ganda na lang. May lalaking panay ang titig sa akin, pero dineadma ko.

Pagdating ko sa Fajardo Medical Hospital, nakita ko sa relo ko—two minutes late na ako! Hinanap ko agad ang guard.

"Kuya, saan po nag-aapply ng trabaho?"

"10th floor, ma'am," sagot niya na hindi man lang tumingin.

Sakay agad ako ng elevator, pinindot ang 10. Huminga ako ng malalim.

"Kaya mo to, Lucia. Hindi ka pinanganak para maging talunan. Charot lang, wala ka ngang nanay," bulong ko sa sarili ko.

Ding! 10th floor.

Paglabas ko—walang tao. Shit. Mali ata ako ng floor? Late na nga ako! Bigla akong may narinig na boses mula sa kabilang kwarto, kaya dali-dali akong naglakad.

"Mom! I tol—"

"Babe! Finally, you're here!" sabay sigaw ng isang lalaki. Gwapo. SOBRANG GWAPO. Yung tipong kahit pawisan ka, gugustuhin mong yakapin.

Bigla niya akong hinalikan sa labi.

WHAT THE HELL?!

"Please, go with the flow," bulong niya.

HA?! Flow mo mukha mo!

Nagulat ako pero ngumiti na lang ako, lutang na lutang. May dalawang matatanda sa harap namin—siguradong magulang niya.

"And who is she?" tanong ng nanay niya.

"She's my girlfriend. And she's pregnant."

PUTANGINA. ANONG BUNTIS?!

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Para akong binaril.

"OMG hija! Ba't ngayon ka lang pinakilala sa amin?" yakap ng nanay niya.

"Anong pangalan mo, hija?"

"Lucia Elle D. Santos po. 22. Fresh nursing graduate," sagot ko kahit nanginginig na ang boses ko.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

"Mag-aapply po sana ako... pero pinapunta po niya ako dito. Di ko po alam na ipapakilala ako ngayon."

Ngumiti lang siya. Pakshet, ang kapal.

"She's humble. Ayaw niya ng special treatment. Gusto niyang magtrabaho kahit sinabi kong hindi na kailangan."

Ang sarap mo talagang batukan, Oliver.

"Hija, you don't need to work. Masama sa bata 'yan. Just prepare for the wedding."

ANO NA NAMAN YUN? KASAL?!

"Soon-to-be husband pa lang, mom," tawa ng tatay niya.

"When's the wedding?"

"Next week."

WHAT THE ACTUAL FUDGE.

"Saan ang kasal?"

"Tuscany, Italy."

ITALY?! WALA NGA AKONG PAMPA-JEEP PAGPAUWI!

"Welcome to the family, Lucia!" yakap ng nanay niya. Yakap ng tatay. Tapos alis na sila.

Nang makaalis sila, agad ko siyang sinugod ng tanong.

"Hoy! Teka lang! WHO. THE. HELL. ARE. YOU?!"

Ngumiti siya. Yung tipong pang-commercial ng toothpaste.

"My name is Oliver David P. Fajardo. CEO of Fajardo Medical Hospital. The youngest billionaire in Asia."

Nanlaki ang mata ko. Tumigil ang mundo. Ako si Lucia Elle D. Santos.

At apparently, buntis daw ako.

Ikakasal next week.

Sa Italy.

Sa lalaking ngayon ko lang nakilala. Seryoso bato?!



_________________________________________________________________

Pls do like and comment :) Thank you for reading !!!


Krisha xoxo

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon