Chapter 3

2.2K 55 3
                                        


Elle's Pov

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Ewan ko ba, wala naman akong trabaho pero nag aalarm parin ako. 4 hours lang yung tulog ko kakaisip sa offer ng mokong na yon. Ginulo ko ang buhok ko dahil hanggang ngayon wala parin akong sagot. Ano, papayag ba ako? Baka masasaktan ako? Hindi naman ako takot ma inlove dahil alam ko naman sa sarili ko na hinding hindi ako ma iinlove aroganteng kagaya niya. Pero pakshet naman yung vajayjay ko mapupunit ng walang sex huhu. Magpa virgin nalang kaya ako sa crush ko. hahaha charot wamport. 

Kinuha ko yung phone ko at nakita ko lahat ng text ni kristine sakin. 'BAKIT WALA KA SA INTERVIEW?!' 'HOY BABAE KA SAAN KA BA NILAGA NI LORD HA?!' 'WOW WALA MAN LANG REPLY!!!!' 'HOY SUMAGOT KA AT BABATUKAN KITA PAG NAKITA KITA! YUNG OPPORTUNITY BES SAYANG!!!!' 

Sabihin ko nalang kaya kay kristine yung totoo? Baka matulungan niya ako at mag hihingi narin ako ng advice. Tama! Yun nalang gagawin ko!! Agad akong naligo at nagbihis. Tinext ko siya na magkikita kami sa 711 malapit sa FMH. Pag labas ko ng boarding house ko ay hindi ko alam kung bakit andaming tao sa baba. My fiesta ba? Ah baka may namatay. 


"Oh ayan na pala yung fiancee mo sir" sabi ni aling consing. Ha? Ano daw? 


"wow ang swerte mo naman Lucia!" 


"Paano niya kaya nilandi?"


"ay paturo tayo ng may mabingwit din tayo sis!"


"Hindi naman siya kagandahan!"


Andami nilang sinasabi yan lang yung nababasa ng utak ko. Pinatuloy ko lang ang paglalakad ko at nakita ko ang isang lalakeng naka tux naka pasok ang dalawang kamay sa bulsa at nakasandal sa kotse niyang magara na kulay itim. Tiningnan niya ako sa mata at ngumiti. 


"Hey babe. You're 1 minute late" Sabi niya habang tumatawang palapit saakin. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hbanag palapit siya ng palapit ay lumalakas naman ang pintig ng puso ko. Shit! Paano niya nalaman na dito ako nakatira? Ah. Mayaman nga pala siya. Malamang pina imbestigahan na niya ako. Lalo akong nagulatng may naramdaman akong dumampi sa labi ko. 


"Let's go" sabi niya at hinawakan ako sa bewang. Na tilian naman ang mga tao at may narinig pa akong nag sabi ng SANA ALL! 


Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pina una niya akong pumasok. Nagsalita siya sa mga tao at hindi ko marinig kung ano yung sinasabi niya. Kumaway siya at pumasok na sa sasakyan. 


"BAKIT MO AKO HINALIKAN?" tanong ko sa kanya. 


"Gusto mo naman" sagot niya. 


"Wow! Hanep! Ikaw na nga yung nanghahalik ng walang permiso dito eh!" sigaw ko. Sobrang sama talaga ng ugali ng lalakeng to! Ugh!!!! Kung hindi lang siya gwapo.. ay hindi! Panget siya!!! 


"Look at your social media. We're trending" sabi niya. 



"Nagpapatawa ka ba? Kita mo tong cellphone ko? Paano ko malalaman na trending tayo? And besides, hindi ako active. Active lang ako nung college ako dahil sa online class and researches." sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung mamalikmata lang ako pero nakita ko siyang namangha sa sinabi ko. 

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon