Chapter 5

3.9K 112 91
                                        



Lucia's POV

Lucia's POV

Pumasok na ako sa kwarto ko at napag-isipan kong dito na lang ako kakain. Darating lahat ng friends niya, at syempre mayayaman 'yun. Hindi naman sa mapapahiya ko si Oliver, pero nahihiya lang talaga ako kasi hindi naman kami totoong magka-relationship. Habang kinakain ko ang bacon na niluto ko, hindi ko pa rin maiwasang isipin kung anong klaseng gulo 'tong pinasok ko.

Paano na lang kung ma-in love ako? Aish! Ano ba 'yan, Lucia! Hindi pwede! Dapat ang goal mo sa katarantaduhang pinasok mo ay never, as in never, kang mai-in love kay Oliver! Tama!

Hindi ko rin akalain na ang magiging first baby ko ay manggagaling sa kanya. Huhuhu. Ang labo naman kasi. Sa totoo lang, hindi ko nakikitang mag-aasawa ako. Wala akong trabaho, tapos poorita pa ako. Ayokong maranasan ng magiging anak ko ang mga naranasan ko.

Natapos ko na ang pagkain ko kaya nag-stretching na lang ako. Sa laki ba naman ng kwarto ko, siguradong hindi ako mabo-bore dito. Hahaha. Natigilan lang ako nang may kumatok sa pinto. Agad naman akong nagtungo at binuksan 'yon, at boom shakalaka! Ang gwapo nga talaga pag sa malapitan.

"I'm going to introduce you to my friends. Mag-ayos ka. I'll come back after 5 minutes," sabi niya at agad ding umalis. Sobrang bossy talaga! Hindi ko alam kung anong aayusin ko—wala naman akong make-up, wala rin akong damit! Seryoso ba siya? Agad-agad niya nga lang akong hinatak papunta rito!

Hindi ko pa talaga na-explore ang kwarto ko, kaya pumasok ako sa banyo para maghilamos. Ang laki ng banyo ko! May bathtub, shower, at kumpleto ang gamit—parang hotel! Napansin ko rin ang pinto sa gilid, malapit sa pintuan ng banyo. Binuksan ko 'yon, at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. I have my own walk-in closet! At may vanity mirror pa with all the make-up and girly stuff! Wow! Na-amaze pa rin ako. Paano niya naisip 'to? Ah, oo nga pala—may mga alipin siya.

"1 min left"—'yan ang nakasulat sa text message na natanggap ko. Oh shit! Mamaya na lang ako ma-amaze! Agad akong naghanap ng isusuot. Hindi ko alam kung anong babagay. Kaya kumuha na lang ako ng black pants at white shirt. Oh well, bahala na. First impression last, pero peke lang naman ako. Tumayo ako sa harap ng vanity mirror at tiningnan ang sarili ko. Buti na lang maganda ako—chour!

Kumuha ako ng lip tint at nilagay sa cheeks at eyelids ko. Kumuha rin ako ng nude lipstick, kinurl nang kaunti ang lashes, at naglagay ng mascara. Narinig ko ang katok sa pinto—alam kong si Oliver na 'yon. Hindi na ako nagsapatos; nasa bahay lang naman kami, kaya naka-tsinelas lang ako. Binuksan ko ang pinto at ayun na naman siya.

"You're 1 minute late. I hate waiting, Lucia," sabi niya bago naglakad na papunta sa elevator. Hmpf! Ang sungit talaga. Tch. Sinundan ko siya. Tahimik lang kami habang naglalakad.

Paglabas namin ng elevator, naririnig ko na ang tawanan ng mga kaibigan niya. Kinakabahan talaga ako. Iba kasi 'pag pasyente sa ospital ang kausap mo, huhuhu.

"Just be yourself," sabi niya at pumasok na sa isang kwarto. Pinigilan ko ang sarili kong ma-amaze—may billiard table sa loob, may dartboard pa sa dingding, ang laki ng TV, at may arcade games din! Sana all talaga! Naka-carpet din ang buong sahig, katulad sa kwarto ko. Napatingin ako sa sapatos nilang lahat. Hehe... sana pala nag-sandals man lang ako. Nakakahiya tuloy!

"Ohhh! The couple is finally here!" sigaw ni Sander. Napatingin ako sa barkada niya at shet—walang pangit! Lahat gwapo! Naka-polo pa silang lahat, parang galing sa business meeting. Mayayaman nga siguro talaga sila.

"This is Elle. Elle, since you already met him, this is Chris Chu," sabi ni Oliver at nag-shake hands kami. "This is Jacob Hernandez," shake hands ulit sabay ngiti. "This is Joseph Hernandez, his twin brother. It's obvious naman," dagdag pa niya. Ahh kaya pala magkamukhang-magkamukha! Shake hands ulit, sabay smile.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon