Lucia's POV
"Where are we going?" tanong ko habang naka-seatbelt sa passenger seat. Kanina pa kami biyahe, pero wala siyang sinasabi. Nakatulala lang siya sa phone niya. Baka naman kinidnap na ako? Charot.
"We're going to my house. You need to sign some papers," sagot niya casually habang nagta-type sa napakakinis niyang iPhone 16 Pro Max. Anak ng... pati phone niya mukhang mas mahal pa sa tuition ko.
"Oh, I forgot to give you this." Kinuha niya ang dalawang paper bag sa tabi niya at inabot sa'kin. Curious, binuksan ko agad. Teka lang... seryoso ba 'to?!
"This will be your phone from now on. Embarrassing naman if you use that cheap phone now that you're marrying me," he said, pointing to a small box. "And this is your engagement ring. Wear it para hindi magmukhang fake ang kasal natin."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ngumiti ng slight. "Hmm. You're not that bad. God didn't hate me that much."
Wow ha?! So medyo hate pa rin ako ni Lord based on your standards?! Aba gago! Ang ganda ko kaya!
"Thanks," sagot ko habang binubuksan yung box. Napanganga ako.
"Sa'kin na talaga 'to? Grabe ang ganda!" Sobrang kinang! Parang diamond talaga! At ang laki! Literal na parang pang-drag queen, pero sosyal.
"It suits you," sabi niya, then balik tingin sa phone. Ako naman, parang batang nanalo ng raffle habang tinitingnan ko yung singsing sa daliri ko. Wow, engaged na agad ako? Di pa nga ako nagka-boyfriend. Pati first kiss ko reserved pa!
Pero naalala ko yung kapalit nito lahat. Kailangan ko siyang bigyan ng anak. Napatingin ako sa malayo. Lord, pwede ba cesarean agad? Please?
Napalingon ako sa bintana. Hala... gubat na 'to? Ang daming puno, ang tahimik pa. May mansion ba dito? Teka, baka horror plot twist na 'to?
Pero hindi. Sa dulo ng daan, may malaking gate na parang pang-movie. At ayun, kita na ang bahay. As in BAHAY. Mansyon na modern at mukhang imported galing Pinterest boards!
"Woah," yun lang talaga nasabi ko. Legit na modern mansion. May fountain pa!
"Ilan kayo nakatira dito?" tanong ko habang bumababa kami ng sasakyan.
"Ako lang," casual niyang sagot.
"SERYOSO? SA GANITO KALAKING BAHAY, IKAW LANG?!" halos pasigaw kong tanong. Diyos ko!
"Lower your voice. My maids might hear you," he said, annoyed. "Yes, ako lang. Pero I have 10 maids and 1 butler. Happy?"
Kapal ng mukha may ganito tapos solo lang. Ang ganda pa ng bahay. Interior pa lang, 10/10 na!
Sumakay kami ng elevator pa-second floor. Yes, ELEVATOR. Di naman halatang tamad siya. Sa 2nd floor pa lang, feeling ko nasa Forbes Park ako.
Pumasok kami sa isang office-looking room. May swivel chair pa siya, tapos nilabas niya ang mga papel.
"Sign these documents. It's the contract for our deal. Between you and me only. If this leaks out, I'll sue you. Got that?" seryoso niyang sabi habang inabot ang ballpen.
Binasa ko naman. Okay naman ang laman, walang shady na clause. So pinirmahan ko.
"You'll stay here till the contract ends. I'll give you a new house after. You can't go back to that squatter area—might ruin my image. Your stuff is already moved to the room beside mine," he added. Aba, ayos lang? Room beside HIS?
Pinindot niya ang button at may dumating agad na matandang babae.
"Nanay Celya, pakidala siya sa kwarto niya."
"Sige iho," sagot niya, tapos tumingin sa akin. "Dito tayo, ma'am."
"Ay Elle na lang po! Nakakahiya po 'pag ma'am."
Naglakad kami at hindi ko maalis yung amazement sa mansion niya. Parang gallery sa sobrang linis at ganda.
"Ako ang head ng maids dito. Bata pa si Oliver, inaalagaan ko na siya. Parang anak ko na yan," sabi ni Nanay Celya. Ang bait niya huhu.
Sumakay kami ng elevator. Oo, sa 3rd floor. Grabe, walang hagdan dito?
"May hagdanan naman, pero pang-emergency lang. Ayaw ni Oliver na mahirapan ako sa akyat-baba kaya pinagawa niya ang elevator," paliwanag niya. Sweet naman pala minsan ang mokong.
"Nandito na tayo. O, feel at home ka lang ha."
"Thank you po, Nanay Celya," sabi ko habang pumapasok sa kwarto.
"WOW!!! Sa'kin ba 'to?! Parang hotel!" tumalon ako sa kama, nagpicture agad. Sinend ko kay Kristine.
Kristine: "WOW ANG GANDA NG KWARTO MO! AT ANG GANDA NG PHONE MO! NEW PHONE?!"
Me: "Oo hehe. iPhone 16 Pro Max."
Sinend ko rin yung singsing.
Kristine: "IKAW NA ANG PINAGPALA NG DIYOS!!!"
Me: "Sige na mag-duty ka na jan hahaha."
Humiga na ako, pero naalala ko... di pa pala ako kumakain. Gutom na ako! May mapa pa ng bahay sa side table, sosyal. Nasa 1st floor ang kitchen. Go!
Pagdating sa kitchen... wow. Parang pang-cooking show. May pantry room pa. Mayaman nga talaga siya.
Kumuha ako ng bacon at nagluto. Basic muna, easy lang. Charing! Ito lang kase pinaka easy lutoin HAHAHAHA.
"Ma'am ako na po d'yan! Sana tinawag niyo ako," sabi ng maid.
"Ay okay lang po. May kanin po ba?"
"Meron, pero nasa maid's kitchen. Hindi kasi nagkakanin si sir. Kukunin ko po."
Teka... so saan siya kumakain usually?
"Woah! You're cooking? David will eat here?" biglang may nagsalita sa likod ko. Nabitawan ko ang sandok!
"Easy, miss. You're new? And beautiful. Definitely not a maid. Who are you?"
"Uhm I—" naputol ako dahil biglang dumating si mokong.
"She's my fiancée. Elle, meet Sander, my best friend," pagpapakilala niya.
Pogi rin si Sander. And he looked shocked—but impressed.
"Wow! So she's the girl? She's beautiful! And Elle, can I have some bacon?" sabay tawa.
Bacon lang pala hanap niya? Pero teka lang...
THE WHOLE SQUAD IS COMING HERE?!! ILAN BA SILA?!
____________________________________________________
Sorry for the late update huhu. Nabusy lang. Next update will be this sunday :) Sorry if merong typo huhu
Elle's engagement ring on the multimedia.
Please vote and comment! Thank you guys! :>
Krisha xoxo
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
RomantikI'm just an ordinary girl looking for a decent job. Pero ano ba itong pinasok ko? I should've said no from the start.
