Justice League
December 7, 2021, 1:12 a.m.
Gising ka pa?
Oo bakit?
Nag-alalala kasi ako kay canary, eh
Di siya pumasok ngayon kasi masama daw pakiramdam niya tapos may spotting pa
Hala
Ano raw sabi ni tita?
Sinabihan niya ba?
Oo. Normal naman daw yun
Pero tangina nag aalala ako
Bleeding pa rin yun
Sinusubukan ko na lang din pakalmahin si canary para di na siya mag panic pero ako yung nag-aalala ngayon
Eh ano bang magagawa natin ngayon?
Nandun siya, nandito tayo
Yun na nga eh
Ngayon ko lang naintindihan yung sinasabi niyang sana magkasama kami kasi putang ina ako yung hindi mapakali, gusto ko nang lumipad papunta sa kanya ngayon
Edi lipad ka
Dalawang beses mo naman nang ginawa yan
Pero paano kung biglang may call back tapos papuntahin tayo dun sa opisina? Ang alanganin kasi
Teka nga pati ako namomroblema sayo
So anong gagawin?
Hindi ko alam
Hala
Ngayon ko lang narinig na sinabi mo yan
Hindi ko talaga alam, Justice
Sinusubukan kong huminahon at mag-isip
Sige
Kalma ka lang muna dyan
Tapos matutulog na ako
Ayos ka ha
Hoy! Tingnan mo nga kung anong oras na
Bukas mo na rin isipan yan
Baka may solusyon ka na bukas
Wake up with a fresh mindset ganon
Hahahaha
Ang ayos mong kausap
Maayos naman talaga 😌
