Paul 💗
January 7, 2022, 8:42 p.m.
Hindi mo kailangan magmakaawa sa akin
Sana nga paul
[Twitter]
Just @justzendejas
Ayos paul, iba ka talaga
Just @justzendejas
Nagsisisi na ako haha bat ba ako nagduda sayo
Justice League
January 8, 2022, 2:32 p.m.
"Effective next month?"
"Opo, kailangan kong sumunod sa ASAWA ko"
Iba ka talaga
At least approve na
Tangina sampal sa mukha yung "ASAWA ko"
Nagulat siya eh
Kaso tinanong ako bakit single daw yung nasa CV ko
Luh chismosa
Ganun din naman pamilyado ka na kahit ikakasal pa lang kayo. Kaso bakit next month pa effective resignation mo?
Maglalakad ako ng papel
Di naman agad-agad yun
Kung sabagay
Pero shet talaga hahaha
Bakit biglaan?
Kailangan ako ni Canary
Hindi ko siya pwedeng pabayaan mag-isa doon
Hindi ba siya naniwala sa paliwanag mo?
Kaya susunod ka na?
Hindi ako nagpaliwanag
Alam mo kasi minsan hindi na rin sapat yung salita ko
Paulit-ulit na lang din kasi sinasabi ko sa kanya kahit ako nagsasawa na rin eh
Kailangan ko na kumilos
Kung sabagay
Sige, ingat ka! Haha
Gago di pa naman ngayon alis ko haha
Edi ingat in advance
Choosy mo ha
