Justice League
December 4, 2021, 3:49 a.m.
Hoy
Ano na?
Kinausap ka na?
Hindi pa nga eh
Sabi niya kanina kakausapin ka na niya eh
Pero intindihin mo na lang din
Malungkot talaga siya
Umiiyak kanina
Naiintindihan ko naman
Kaso hindi naman pwedeng magpaiwan ako
May job interview pa tayo sa makalawa
Alam ko naman
Sa target company mo diba? Tsaka dun sa isa pa
Oo, kaya hindi pwede kahit gusto ko mag extend
Bihira lang sila mag hire, parating puno
Ano ba kasing usapan ninyo ni Canary?
May pera naman akong sarili dahil may ipon ako
May trust funds din
Pero kailangan kong magtrabaho para madagdagan yung ipon ko para makasunod na ako kay canary
Tapos?
Kailan kasal nyo?
Pagbalik ko dun
Kailan naman yun?
Baka matagalan pa
Kasi pagbalik ko, hindi na ako uuwi dito
Doon na talaga
Gaano katagal yang "matagal" mo?
Taon ba yan?
Hindi ko rin sigurado
Tinatantiya ko pa
Paano kapag nanganak siya?
Hindi ka pupunta dun?
Ang sabi niya ayos lang naman daw
Paul sinabi niya lang yan
Alam ko naman
Gusto ko ring nandun ako kapag nanganak siya
Edi pumunta ka dun
Para ngang nasa kabilang kanto lang Tennessee sayo eh
May trabaho na kasi tayo nun
Hindi naman katulad ngayon at dati na wala tayong ginagawa at may fixed na bakasyon o term break
Kung sabagay
Mahirap nga rin daw mag request ng VL
Teka
Bakit pala hindi mo tinanggap yung sa kaibigan ng papa mo sa Berlin? Diba pinapapsok ka sa Audi?
Oo
Pero nandito si Lilac
Kaya ko rin namang dumiskarte ng sa sarili ko lang
Ayos
Wag mo ibahin usapan
Anong plano mo?
Mag-iipon nga muna ako
Makakaua din naman sigurong magtiis ni Canary
Saglit lang naman
Kanina sabi mo matagal
Tapos ngayon saglit
Labo mo ah haha
Hindi naman ako matatagalan ng ilang taon
Ah... alam ko na
Kasi nakaya mo maghintay ng 9 years para sa kanya dati?
Ganun ba?
Kaya madali na lang sayo yan?
Hindi ko sinasabing madali
Tangina kasi nahihirapan din ako
Konting hintay lang naman hinihingi ko
Para samin din naman yun
Tandaan mo Paul, buntis si Canary ha?
Magkaiba kayo ng sitwasyon nung ikaw naghihintay sa kanya. Kung kailangan niya man ng suporta mo, ngayon yun. Kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw ka niyang paalisin kahit pa sabihin nating apektado din siya ng hormones, mood swings, o ano pa yan.
Hindi ko rin naman sinasabing hindi niya kayang wala ka, sus! Yun pa ba? Halos lumaki na ngang mag-isa yun
Pero sabi niya kanina mas secured daw pakiramdam niya pag magkasama kayo. Magkaka-anak na kayo, hindi na lang kayo basta mag jowa ngayon. Wag mo kalimutan yan
4:03 a.m.
Hoy?
Ano na? Wag mong basahin lang message ko
Saglit kasi
Tatawagan ko siya
Ahh sige
Tawagan mo na
