Prologue

80 9 8
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

This story is not edited. So expect typo and I gladly appreciate if you correct my grammar. Thanks for reading.

-----------------------------------------------------------

Callie's POV (Point Of View)

Dahil hindi ako makatulog tumayo ako sa higaan ko at umupo sa study table ko at muli kong nakita ang sulat na nakaipit sa notebook ko. Huling sulat na ‘to na hindi ko pa nababasa.

Sa totoo lang may kung anong pumipigil sa aking buksan iyon dahil natatakot rin ako sa maaaring muling malaman ko pero mas nanaig ang kagustuhan kong mabasa ito.

September 03, 2010

Dear Callie,

Ito na ang huling liham ko para sa’yo kaya’t sana ay mas maaga mong mabasa ito dahil sa lahat ng sulat na pinadala ko ay ito ang pinakamahalaga sa lahat kahit na alam kong malabong matanggap mo ang mga ito, umaasa pa rin ako.

Ilang beses ko ng sinabi sa’yo na marami akong bagay na pinag sisihan sa buhay ko--- na maaaring pagsisihan  mo rin at ito ang pinaka pinagsisiishan ko sa lahat.

He gave me so much, almost everything but there is nothing I can do for him. I didn’t save him like how he saves my life for how many freaking times. I regret it all, for being such a self centered. Hindi ko alam kung bakit kailangan palagi na lang ako ang inililigtas kahit na siya pa mismo ang dapat kong isalba.

Napakahina ko. Gabi gabi kong sinisi ang sarili ko sa lahat ng nangyari kahit na alam kong hindig hindi ko na maibabalik at maitatama ang lahat ng aking pagkakamali. Kahit na alam kong hinding hindi na siya babalik. At kahit hanggang ngayon mahina pa rin ako, pinag aalala ko pa rin ang mga tao sa paligid ko. Kaya pinangako ko sa sarili ko na pagkatapos kong ipadala ang lahat ng sulat na ito sa’yo ay pipilitin ko ng makalimot at ipapaubaya ko na ang lahat sa’yo.

I’m begging you Callie. This time sana maging malakas ka at ikaw naman ang magligtas sa kaniya. Iligtas mo siya mula sa kamatayan. Save Sam from death. Save him please for me--- and also for you.
          Your Future self,
         Amelia Callie.

My eyes swelled up with tears because of what I knew. It feels like a dozen of blades was stabbing my chest repeatedly.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilin ang mga hikbi ko pero hindi iyon naging sapat para mailabas ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit kahit hindi pa nangyayari ‘to ay
nararamdaman ko na ang sakit. Iniisip ko pa lang na mawawala siya pakiramdam ko ay nababasag na ang puso ko.

Marahil ito ang naramdaman ng ako sa hinaharap o mas doble pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nabalot ng napaka raming tanong ang isip ko.

Kung paano, kailan, sino at ano ang dapat kong gawin. Nanghihina ang mga tuhod ko at punong puno ng mga luha ang mukha ko.

Pero wala akong oras para maging mahina ngayon, Kailangan may gawin ako pero paano? Saan ako magsisimula?

✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧

Minsan niyo na rin bang hiniling na sana kaya mong ibalik ang oras?

Kasi may mga bagay na gusto mong ulitin o baguhin?

O may mga pangyayari na gusto mong balikan para itama? O may mga bagay na nagawa na hindi nararapat, mga salitang hindi dapat nasabi o damdaming dapat naipahiwatig?

O kaya gusto mo minsan makita kung ano ba 'yong mangyayari sa hinaharap kung gagawin mo 'yong isang desisyon at kung ano 'yong magiging resulta nito pagdating ng panahon.

Paano nga kung maaari nating baguhin ang ibang parte ng ating buhay?

Upang maisaayos mo ang kung ano mang 'ikaw' sa ngayon at kung anong mang mangayayari sa'yo sa hinaharap?

Kung bibigyan ka ba ng pagkakataon? Gusto mo ba balikan ang nakaraan o makita ang hinaharap?

At tulad din ng ibang tao kung bibigyan man ako ng pagkakataon na bumalik at makita ang nakaraan o hinaharap.

May mga bagay akong gustong itama.

Mag mga bagay akong gustong pigilan.

May mga bagay akong gustong baguhin.

May mga bagay akong gustong balikan.

May mga bagay akong gustong malaman.

May mga bagay akong gustong maintindihan

At higit sa lahat may mga bagay akong gustong protektahan--- siya ; sila.

***
A/N:
Don't forget to vote mwaps. Thank for reading!

Parallel Within YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon