Chapter 3 - ONE STEP CLOSER

46 5 2
                                    

Callie's POV

Ilang araw na rin akong wala sa sarili ko simula ng maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam na 'yon. Baka kailangan ko na magpatingin sa doctor? Bsa espesyalista? sa mangkukulam? sa albularyo? o kung ano pa man.

Baka may sakit akong malala at mamamatay ako ng dalaga. WAAAAAAHHH help me!

Dahil napaka weird ng nararamdaman ko, iniisip ko nga baka may kapangyarihan 'yong sulat tapos kung ano 'yong sinulat mo do'n, 'yon mismo ang mangyayari. But I quit the idea dahil sa tuwing binabasa ko 'yong liham parang nangyari na talaga. Ugh basta ang weird.

/(>0<)\

Tinigil ko muna ang pagbabasa ng liham na 'yon kasi feeling ko mababaliw na ko sa pwede ko pang malaman. Kasi malay niyo bang nakalagay do'n na magiging boyfriend ko si Sam diba? Ay ilusyonada. Kaya nga ugh ayoko munang galawin 'yong sulat. Parang ayoko na nga malaman kung ano pa 'yong mga susunod na mangyayari.

Pero alam kong may rason ang hinaharap na 'ako' kung bakit niya ginawa 'to. Gusto niya kong gabayan. Gusto niyang ako ang magtama ng mga maling desisyon na nagawa niya. At kung ano man ang mga bagay na iyon, gusto kong gawin ito hindi lang para sa sarili ko kung hindi para din sa mga taong mahahalaga sa akin.

Nakatulala lang ako dito sa bench ng may matanaw ako na kumpol ng mga kababaihan at mukhang may pinagkakaguluhan sila. Pilit ko itong inaninag and it turns out na kinukulit pala nila si Sam. Tsk. Mga desperada.

"Oh Callie, pupunta ka rin ng cafeteria?,"tanong sa akin ni Sam.

(0o0) 

Bakit nasa harap na ko ng mga panget na'to? Gumalaw ba ng kusa ang katawan ko papunta dito ng 'di ko alam?! WAHHHHHHHH

Napansin kong may hawak pala ako--- polo ni Sam na pinahiram niya sa akin. Napangiti ako ng tagumpay. HIHIHIHIHI.

"Excuse us girls, may importante kaming pag uusapan ni Sam," mataray na wika ko sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya. Nakatanggap naman ako ng death glare sa kanila pero hindi ako nagpatalo kaya tiningnan ko rin sila ng masama with matching laser beam.

Inakto ko pa ang mga kamay ko na pinapaalis sila.

Shooooo shoooo, alisssss!

Wala naman silang nagawa kundi ang umalis.

"What's with the look on your face?,"natatawang sabi ni Sam.

"Bakit? Anong meron sa mukha ko bukod sa sobrang ganda?" wika ko at tinaasan siya ng kilay.

"The looks that you'll bite anyone if they try to steal something from you."

Natigilan ako sa sinabi niya kaya napaayos ako ng tayo.

"Anyway, eto na 'yong polo mo," I said trying to act cool and to change the topic.

"Eto ba 'yong importanteng nating pag uusapan?" nagtataka niyang tanong.

"Yes, dahil ayokong makita nilang sinoli ko sa'yo 'yan. They might get a wrong idea."

Ayos, ang galing ko mag dahilan hehe.

"But maybe they already got the wrong idea when you make them back off," mahina niyang bulong sa akin. Napaatras naman ako dahil sobrang lapit niya.

"Don't get too closer, I might bite you," mahina ko ring bulong sa kaniya at umalis na.

Sobrang nanghihina ang katawan ko, idagdag mo pa ang kahihiyan nang marealize ko 'yong sinabi ko huhu.

"The looks that you'll bite anyone if they try to steal something from you."

Parallel Within YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon