Chapter 2 - IN A SHORT PERIOD OF TIME

61 5 0
                                    

Callie's POV

Pagkatapos ng laro napagdesisyonan naming magkaroon ng maliit na celebration para sa pagkapanalo ng team. 

Ilang linggo na ring hindi pumapasok si Sam simula no'ng sumama siya sa amin.

Wala kaming balita kung bakit siya nawala. Kaya pag uwi ko ng bahay kinuha ko ang liham sa drawer ko at binasa ang iba pang bahagi ng sulat para malaman sana kung bakit biglang nawala si Sam. 

Pero hindi ako nag aalala sa kaniya ah! Sus palusot pa eh. Hindi nga. Sabi mo eh. Ang kulit mong konsensiya ka hindi nga ako nag aalala okay? Curious lang.

June 28, 2010

Ilang linggo ring hindi nakapasok si Sam sa hindi namin alam na dahilan. But when he came back, something change. No—it's not something, everything change about him. No'ng una nga hindi namin siya nakilala dahil sobrang layo ng Sam na nakilala namin noong unang pasok niya sa Sam na kaharap namin ngayon. Mula sa—

"Callie!!!" malakas na sigaw ni mommy mula sa ibaba

"Bumaba ka na, kakain na!" dugtong pa niya. Kaya't inilapag ko muna ang liham at bumaba na para kumain.

***

Nagmamadali akong pumasok dala dala ang mga libro ko dahil sobrang late na ko sa first class ko. Nang bigla akong mabunggo sa kung sino kaya tumilapon ang mga gamit ko. Wow ha lakas maka-teleserye at ngayon pa talaga kung kailan nagmamadali ako.

Kaya agad agad ko ng pinulot lahat ng gamit ko dahil hindi naman ako nag hihintay ng tutulong sa akin para pulutin ang gamit ko—

"Sa susunod mag- iingat ka." litanya ng kung sino at inaabot ang ibang libro kong nahulog.

Teka sino nga ulit 'to? Bakit parang ngayon ko lang ata siya nakita pero bakit parang pamilyar siya? Hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari sa akin lately e.

"Sabay na tayo?" tanong niya sa akin. At hindi ko napansin na napatulala na pala ako sa kaniya. Eh kasi naman inaalala ko kung sino siya e.

"H-Ha? B-Bakit? Magkaklase ba tayo?" wala sa sarili kong tanong.

"Oo,  It's  me Jed. I mean Sam." sabi niya and give me a genuine smile.

Wait.

Ano raw?

Siya si Sam? Si Sam na gulo ang buhok? Walang emosyon ang mukha? Ginagago ba ko nito?

Eh ang layo ng Sam na 'to na nakilala ko. Nakaayos ang buhok, naka complete uniform, m-mabango, naka ngiti at ang g-gwapo. Sobrang kabaliktaran no'ng unang pasok niya. Well gwapo pa rin naman siya no'ng unang pasok niya. Edi inamin mo ring gwapo siya. Tumahimik ka nga! What I mean is iba ngayon kasi naka ngiti siya!

Asan na 'yong masungit na Sam?

Ano bang ginawa ng lalaking 'to? Glow up? Bakit ba may mga nilikha si Lord na ganito ka -gwapo? Teka teka late na nga pala ako!


Kaya agad na kong naglakad ng hindi pinapansin ang lalaking kasunod ko. Eh ba't ba?! Akala niya ba porket gwapo siya, close na kami? Hinahanap mo nga no'ng nawala. Malamang nag aalala ko, nakakainis naman kasi 'yong mga taong bigla bigla na lang mawawala 'no. Sabi mo hindi ka nag aalala. Hindi nga--- Oo na!! nag alala na ko ,pero slight lang!

"S-Sam? Is that you?" Coreen asked.

Hindi rin sila makapaniwala dahil sa sudden change ni Sam. Alam niyo 'yong bad boy turn into good boy. Gano'n na gano'n. Para tuloy may dalawa siyang personalidad. Pero somehow mas gusto ko 'yong badboy look niya, hindi ko alam kung bakit pero parang mas komportable ako do'n. Mesokista ata ako.

Parallel Within YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon