Callie's POV
Maaliwalas ang panahon, sa totoo lang sobrang nakakaantok ang araw na ito habang nakatitig sa blackboard at kunwaring nakikinig sa aming teacher sa harap.
Nakatulala ako ng maalala ko ang sulat na natanggap ko kaninang umaga bago ako pumasok, inilagay ko ito sa bag kaya binuksan ko ang bag ko para kunin ito.
Napatingin ako harap ng biglang pumasok ang aming adviser sa classroom at may mahalagang announcement raw na sasabihin pero itinuloy ko pa rin ang pagubukas ng letter.
June 18, 2010
Isang nakakaantok na araw sa room ng biglang pumasok ang adviser namin para magbigay ng mahalagang announcement. Isang mahalagang announcement na babago pala sa buhay ko.
May bagong transferee sa school na magpapakilala sa harap. Isang lalaki na may itim at magulong buhok, mapungay ang mata, walang emosyon ang mukha, matangkad at guwapo na titilian ng mga kaklase ko.
Napatingin akong muli sa harap ng biglang magtilian ang mga kaklase ko dahil sa pagpasok ng isang lalaki na m-may itim at magulong b-buhok? m-mapungay ang mata? w-walang emosyon ang mukha? m-matangkad at g-guwapo? Bigla akong may kakaibang naramdaman mula sa nangyayari at sa sulat na hawak ko ngayon. Parang biglang naging pamilyar sa akin ang nangyayari. Ano 'to de javu?
Sa totoo lang wala naman akong balak bigyan ang atensyon ang kung sinomang nasa harap na tinitilian ng mga kaklase ko dahil nakatulala lamang ako sa bintana ng mga oras na iyon pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa gawi ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nag tagpo ang mga mata namin ng ipakilala niya ang sarili niya bilang—
Kinakabahan akong tumingin sa harap ng magtagpo ang mga mata namin ng taong nasa harap at pinakilala ang sarili niya bilang
"Samuel Jed Alvarez"
—Samuel Jed Alvarez . Pagkasabi niya ng pangalan niya ay sinabi ng adviser namin na kunin nito ang bakanteng upuan sa tabi ko at doon maupo.
Napatingin ako sa upuan sa tabi ko na bakante at sa harap kung saan ang lalaking iyon ay papalapit na sa gawi ko. Napatulala lang ako ng dahil sa mga nangyayari hanggang sa maramdaman kong nakaupo na siya sa upuan na iyon.
Iniisip ko kung may nantitrip ba sa akin o ano?
Nagkataon lang ba na nakasaad sa sulat na 'yon na magkakaron ng transferee sa school? At talagang kapangalan niya pa ah. O baka namamaligno na ako.
Nagulat ako ng bigla akong batukan ng kaibigan kong si Coreen na nasa likod kaya napatayo ako at napasigaw---
"Ay maligno!"
Na sinundan naman ng tawanan ng mga kaklase ko. Wahhhh nakakahiyaaaa.
"Ms. Dizon pay attention to the class and answer the problem on the board," masungit na wika ni Mrs. Penson
Nakayuko akong tumayo mula sa upuan ko dahil sa kahihiyan ngunit biglang huminto ang katawan ko sa paglalakad. Halaaaa baka nga na matanda ako!
"Bari bari apo po, bari bari apo po. Sorry po magiging mabait na po ako," mahinang bulong ko dahil hindi ako maka-hakbang.
"Tsk. Weirdo."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may bumulong sa akin mula sa likod. Ramdam ko ang mainit na hininga nito mas lalong nagpadagundong ng buong sistema ko.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaharap sa taong nagpahinto ng mundo ko ay este nagpahinto sa akin sa paglalakad. At pinaluputan niya ng damit ang bewang ko. Pero bakit?

BINABASA MO ANG
Parallel Within You
Teen FictionMeet Amelia Callie Dizon kung paano niya nga ba babaguhin ang hinaharap?