Callie’s POV
Makalipas ang ilang linggo ay nakalabas na rin ng ospital si Sam.
Onting galos na lang ang natitira sa kaniya pero okay na siya. Sa mga araw na dumadalaw kami sa kaniya ay hindi man lang namin nakita ang mga magulang niya.
Kahit no’ng dinala ko siya sa ospital ay nalaman ko lang sa nurse na dumating sila at pinauwi na ako.
Ni-report na rin ang nangyari sa amin pero hang gang ngayon wala pa ring lead kung sino ang mga bumugbog sa kaniya. At hindi ko din alam kung paano siya tatanungin gayong mukhang kilala niya ang mga humarang sa amin.
“Makatitig ah akala mo mawawala bigla,”pang aasar sa akin ni Coreen.
Kaya natawa na lang ako habang pinapanood sila Sam, Andrei at Kevin habang naglalaro ng basketball.“Ikaw rin naman,”banat ko sa kaniya kaya namula ang mga pisngi niya.
“Inggit ako sana ol.”nakasimangot na sabi ni Kai kaya pinagtawanan namin siya ni Coreen.
“Hmp, diyan muna kayo bibili lang ako ng pagkain,” wika ni Kai at umalis na.
Agad naman akong tiningnan ng seryoso ni Coreen na pinagtaka ko.
“Alam mo na ba kung sino ang pipiliin mo?” tanong niya na nagpatigil sa akin.
Napasimangot na lang ako bilang tugon at muling tinuon ang pansin ko sa harap.
“Sa bagay mahirap din naman mamili sa kanilang dalawa ‘no. Parehas na guwapo, maasahan at laging andiyan para protektahan ka,” usal ni Coreen na pinagmamasdan rin ang mga lalaki sa paglalaro.
“Marami ring bagay na magkapareho sila. Kung ‘di nga lang natin nakasamang lumaki si Andrei mapagkakamalan ko silang magkapatid. “ sabi niya kaya napatango na lang ako.
“Pero alam mo Callie…may pag kakaiba rin sila pero tanging ikaw lang makakakita no’n” seryoso niyang saad at tiningnan ako ng diretso sa mata.
“Huh?”
“Mararamdaman mo mula rito… kung sino nga ba ang mas lamang, ” sambit niya at marahang tinuro ang puso ko.
“Parehas silang mahalaga sa akin at hindi ko alam kung kaya ko bang saktan ang isa man lang sa kanila,”naguguluhan kong tugon.
“Pero isa sa kanila ang mas mahalaga, ‘yon bang mas takot ka kapag siya ‘yong nawala, ‘yong mas masasaktan ka kapag binitawan mo siya,” banat ni Coreen.
Napaisip ako sa sinabi niya kung sino nga ba sa kanila ang mas takot akong mawala? At napahinto ako sa pag iisip ng magtama ang ang mga mata namin ng taong hindi ko namalayang kanina ko pa pala tinititigan habang iniisip ang mga bagay na ito.
***
“May hinihintay pa ba tayo?” tanong ni Sam.
“Ano tara na?” biglang tanong ni Andrei na kadarating lang.
Ramdam ko naman ang pagtitig sa akin ni Sam dahil hindi rin niya inaasahan na si Andrei ang hinihintay namin. Nauna na kong naglakad sa kanila at pilit iniiwasan ang tingin ni Sam.
Natatakot lang naman ako na baka…mangyari ulit ‘yon. Sana maintindihan ni Sam kung bakit ko ‘to ginagawa. Tahimik lang kami habang pauwi, walang nag sasalita pero mas gusto ko na siguro ang sitwasyong ‘to kaysa maulit ang nangyari.
Nasa tapat na kami ng bahay ko pero hindi ko pa rin magawang tingnan si Sam. Nagpaalam na si Andrei pero si Sam ay nanatiing nakatayo pero hindi nagsasalita.
“Kita na lang tayo bukas. Salamat sa paghatid.” wika ko at pumasok na sa bahay.
***
Pag pasok ko ay gano’n pa rin naman ang palaging nangyayari. Pinipigilan ko pa ring huwag makatulog sa klase at makinig pero ayaw makisama ng sarili ko. Pero buong araw ko lang pinaniniwala ang sarili ko na walang nagbago.
BINABASA MO ANG
Parallel Within You
Novela JuvenilMeet Amelia Callie Dizon kung paano niya nga ba babaguhin ang hinaharap?