First Year college!
Kasama ko si mommy para mag enroll.Undecided pa ko sa course na kukunin ko pero very thankful ako na nandito ang mom ko para suportahan ako.Isa syang professor at sya ang inspirasyon ko.
Pero ayoko mag turo ah, i mean sya yung dahilan bat ako nagpupursige sa buhay. Gusto ko syang mapasaya,gusto ko sya bigyan ng magandang buhay.
Grabe kasi yung napagdaanan ng nanay ko.Lumaki sa hirap si mommy. Barong barong yung bahay nila, nagbibiruan pa nga kami kasi ang kwento nya kapag bumabagyo halos tangayin yung bahay kubo nila. Wala e, ganyan ang buhay. Habang yung mga tiwaling opisyal ng gobyerno nagpapasasa sa pera ng bayan ang mga mahihirap patuloy na humihirap. As in...At kahit magmukmok pako dito wala ding mangyayare kaya bahala na si God sa kanila.
At yun nga nakilala ni mommy si daddy.Isang sundalo ang dad ko, Phil. Army to be exact at opisyal sya.Lt Colonel.
kaso lang..
Nakunan si mommy 10 years na ang nakakalipas.Wala si daddy nung mga panahon na yun at di namin sya pwedeng asahan dahil mayroon syang tungkulin sa bansa.8years old palang ako nun, aba ano bang malay ko sa mundo.Hindi pa ko ganun kaalam pano alagaan si mommy.At yun nga nakunan sya at etong magaling kong ama,sya pa yung nagalit sa amin ni mommy.Lalake kasi yung nasa tyan ni mommy nun. Yun na sana ang junior at susunod sa yapak ng tatay ko.
Bakit nalaglag ang bata? dahil sakin.
Sobra ang galit sa kin ni daddy halos bugbugin nya ako habang si mommy ay naka confine sa ospital.
Tandang tanda ko pa, nasa ospital ako at si mommy.Tulog pa sya nun at nagpapahinga. Dumating si daddy, agad akong tumakbo sa pinto para yakapin sya.
Flashback•••
"Papa.... " umiiyak ako na nakayakap sa kanya
"Kamusta na si Amor, ang junior ko kamusta na?""Papa... ang sabi po kasi nun doctor nakunan daw po si mommy" patuloy pa din ako sa pagiyak.
Hindi nagsalita si papa nun, inalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya at agad syang lumabas. Alam kong pupuntahan nya ang doctor ni mama para kausapin.
Ilang minuto ang lumipas bago bumalik si papa. Naalimpungatan pa ako dahil nakaidlip ako sa tabi ni mama. Habang kinukusot ko ang mata ko bigla nalang akong may naramdaman na humawak sa kwelyo ng damit ko.
"Ikaw ang dahilan. Ikaw ang may kasalanan!"
Galit na galit si papa. Takot na takot ako noon. Yung mga mata nya may halong lungkot at galit
"Ikaw ang pumatay sa kapatid mo!"
Sinampal nya ako ng sobrang lakas. Hindi ko na napigilang umiyak. Nagising ang nanghihina kong nanay.
"Alejandro bitawan mo si Alehja"
Bumangon si mommy mula sa pagkakahiga.
"Ang anak mo na ito ang may kasalanan kung bat namatay ang anak natin. Ang anak mi na ito.. Sana ikaw nalang ang namatay Alehja!"
Sana ikaw nalang ang namatay Alehja.
Parang huminto ang mundo ko.Inihagis ako ni papa kayat tumama ang likod ko sa pader. Masakit pero wala ng mas sasakit pa sa sinabi ni papa sakin. Patuloy pa din sya sa pagsampal sa kin. Si mama sigaw ng sigaw at humihingi ng tulong. Naka lock ang pinto at naririnig ko din yung mga nurse na nagpapanic sa labas.
Nagulat nalang ako ng bigla akong may naramdaman na sobrang sakit. Sinuntok ako ni papa sa tyan.
At ...........
Nagising nalang akong nakahiga sa kama sa ospital iisang kwarto kami ni mama.
"Mama anong nangyari nasaan si papa?"
Magkalapit ang higaan namin. Bumangon ako pero may masakit sa katawan ko. Parang nanghihina ako, para akong nalamog na bawat galaw ko parang may mga pasa akong nararamdaman.
"Anak wag ka munang gumalaw magpahinga ka lang. Pasensya kana sa papa mo ha"
Oo nga pala naalala ko na.
Ang sakit ng katawan ko pero mas masakit na galit sa akin ang papa ko.
"Alehja kumaen ka muna " si tita. Sabay abot ng porridge sa akin.
."kararating ko lang, pasensya kana Alehja ha." At nagsimula na syang subuan ako ng pagkain.
Tatlong araw na ang nakakalipas. Nakauwi na kami ni mama dito sa bahay. Si tita Mira din, yung kapatid ni mama umuwi na sakanila.
Malakas na si mama. Pero alam ko na nalulungkot pa din sya.
"Mama, si papa po ?"
"Hayaan mo na muna sya anak, may problema din kasi sya sa trabaho. Naistress lang yun. Tas pagkauwi nya eto pa nadatnan nya sa atin. Kaya pasensya kana sa kanya ha"
Tumango nalang ako.
Isang bwan. Tatlong bwan. Anin na bwan pero hindi na nagpakita sa papa. Ni sulat wala. Hindi ko alam kung tinetext o tinatawagan nya si mama
"Anak. Mag empake kana "
Namumugto ang mga mata ni mama. Halatang umiyak sya.
Hindi nako nagtanong muna anong problema. Yinakap ko sya ng mahigpit.At nagempake.
Gusto kong malaman anong problema pero alam ko na sasabihin nya din sakin sa tamang panahon.Matibay na tao si mama kayat alam ko na napakasakit ano man yung pinagdadaanan nya.
Umalis kami ng probinsya.
Pumunta kami ng Maynila.
Doon ko ipinagpatuloy ang pag aaral ko ng elementary habang si mama din nagmamasteral .Nagtatrabahi din sya sa school na pinapasukan ko bilang highschool teacher.
Hindi ko pa din alam bat kami umalis ng probinsya.Natatakot pa din akong magtanong kay mama dahil alam kong masakit. Alam kong tungkol ito kay papa.
12 years old na ako.Si mama graduate na ng masteral at nagtuturo na ng English sa college.
Ako naman 2nd year highschool na.
Feeling ko panahon na para malaman kung nasaan si Papa.
"Mommy. Si papa po,4 years na po syang hindi umuuwi."
"Anak may iba ng pamilya ang papa mo. Nagpa annul na kami."
"Ma.ma... bakit?"
Nanghihina ako hindi ako makagalaw .
"Dahil ba sa akin? Dahil ba sa pagkalaglag ni junior?"
"Matagal na syang may kabit anak, hindi nya lang ako maiwan dahil sa dinadala kong lalaki sa aking sinapupunan noon, kayat nung nawala e iniwan na tayo.akala ko babalik pa sya pero sya pa mismo ang nag ayos ng annulment namin"
Nakangiti si mama kahit na may luha sa kanyang mga mata.
"Hayaan mo na sya anak, mahal ko sya ayoko na sumama ang buhay nya kayat ipinaglaban ko sya noon. Kaso ako lang din ang nasasaktan.Bahala na ang Dios sa mga kasalanang ginagawa nya."
Niyakap nya lang ako ng sobrang higpit.
Kaya pala lagi syang umaalis noon pinupuntahan nya siguro si papa at ang kabit nito. At yung mga panahon na umalis kami sa bahay, iyon yung araw na pumirma ng annulment si mama.
Tinanggap ko lahat ng sakit sa laman na binigay ni papa, lahat ng masasakit nyang sinabe. Pero napaka walang kwenta nya. Hindi na nga nya inalagaan si mama habang nagdadalang tao tas nung nakunan hindi nya din inalagaan. Tas sasaktan pa nya?
Napaka makasarili nya. Akala nya ba gusto ko na mawala si junior? Aksidente ang lahat.Ngayon malaki na ako naiintindihan ko na ang mga bagay bagay. Hindi ko alam kung mapapatawad ko sya.
Napakabait ni Mama pero ako, ayoko na saktan ang mama ko. Gusto kong makita si papa at ang walang hiya nyang kabit.
NAPAKASAMA NILA.
BINABASA MO ANG
Cold Blooded Me
Fiction généraleUnemotional,numb ,passionless, apathetic, those are words always referred to me..All those pain and heartache, siguro di ko na nakayanan kaya dumating sa point na naging ganito ako. Yes, Im a coldhearted now.