Chapter 4 - Confession

27 1 0
                                    

Prelims na.

Kung dati nasa top 5 or 10 yung scores ko, ngayon pabagsak na.

Si Garry lang yung nakaka alam nun tungkol kay mama. Halos 1 month na din ang nakakaraan. Nagpa mastectomy si mommy. Tinanggal yung left breast nya. Tapos tuloy tuloy yung medication nya. Medyo malaki na yung nagagastos namin sa pagpapagamot tapos naka leave din si mama sa trabaho nya.

"Guys nakapost na yung scores natin sa board " Lucy

"Oo, alam namin. Kaya nga nagkakagulo sila ngayon diba?"

"Hoyyy Jermy bat ba ang sungit mo ha. FYI NAKITA KO NA YUNG SCORES KO AT SALAMAT SA PAGTUTURO NI ROYCE UMANGAT ANG RANKING KO. Bwahahaha"

"Hay nako Lucy, midterm exam lang yan. May finals pa. Babawi ako"

"Girl. Whats happening on you?" Tanong ng papalapit na si Tara sa akin. Mukhang galing sya sa bulletin board at nakita na ang ranking.

Groggy ako kaya naka yuko lang ako. Pero nagulat ako nung tumabi si Tara sa akin. Nakita ko din na napatingin sa amin si Garry.

"Whats the problem with you?"usisa ni Tara

"Bakit Tars nataasan ko na ba si Lehj?!"pagbibiro ni Lucy

"Of course not"singit ni Garry

"Ouch" Lucy

"Youre not like this Lehj"si Tara

Tumayo si Royce sa kinauupuan nya at lumapit din sa amin.

"Lehj, anong problema? Alam ko na meron!"

Medyo natakot ako kay Royce. Natahimik din silang lahat. Inaantay lang nila na magsalita ako.

Pero di ko alam yung sasabihin ko.

"Dinner nalang tayo after class, treat ko".binasag ni Garry ang katahimikan.

Halos araw araw dinadalaw nya si mama. Tas lagi nya hinahatid si mama sa hospital.

"Mamaya ikukwento ko sa inyo! " sabay pakunwaring ngiti ko sa kanila. At sumulyap kay Garry.

Kumindat sya sa akin. Hindi ko nga alam kung namamalikmata lang ba ako.

After class nagdinner nga kaming lahat sa isang fast food chain. Treat daw ni Garry lahat.

"Gusto ko to, ito, at ito"turo ni Lucy sa mga menu.

"Wag ka ngang patay gutom dyan" saway ni Jermy

"Kayong dalawa, baka magkadevelopan kayo dyan ha. Bawal ang relasyon sa barkada"

Naestatwa ako sa pagpuna ni Royce. Si Lucy at Jermy pala yung sinasabihan nya.

Bawal ang magkarelasyon sa barkada........ bawal.....

Ano ba tong naiisip ko.

Masyado lang siguro talagang matulungin si Garry.

Nung naserve na yung food, nag umpisa na kaming kumaen

"Ano yung sasabihin mo Alehj?"

Seryosong tanong ni Tara.

"Ahh... guys kasi.. ahhh... una sa lahat gusto ko magsorry kasi hindi ako nagkukwento. Ayoko lang talaga na maabala pa kayo"

"Ha?ano pat naging kaibigan mo kami" sabay akbay sa akin ni Jermy.

Napatingin ako kay Gary at parang iritable yung itsura nya. Dahil ba to sa pag akbay sakin ni Jermy? E ganto naman talaga si Jermy. Ano ba tong iniisip ko.

"Anong problema Alehja?" Tanong ni Lucy

...

Ikwinento ko sa kanila ang lahat.

Cold Blooded MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon