Chapter 1- What you see is what youll be

30 2 0
                                    

4th year Highschool graduation:

"huhuhu,mamimimiss ko kayo"

"san kayo mag aaral sa college?"

"magkikita kita pa naman tayo diba?"

Sarit saring kadramahan ang naririnig ko. Yakapan,iyakan, walang sawang picture taking.

Di naman ako KJ umiiwas lang ako na makaramdam ng sakit. Ayokong malungkot. Totoo naman kasing sobrang nakakalungkot na etong mga kolokoy na to na halos klasmeyt ko mula first year to fourth year e di ko na makikita araw araw. Aba ang dami naming pinagsamahan.Eto ako ngayon naglalakad. Lumalayo sa mga tao kasi nga ayokong umiyak.Pero hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.Graduate na kami.Ang saya!

......

Sabi nila lahat daw ng saya may kapalit na kalunglutan. Sabi lang naman nila.Kaya tuloy parang ayaw ko na sumaya kung malulungkot rin lang ako pagkatapos.

Kumbaga bawal sumaya,bawal malungkot.


Cold Blooded MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon