Chapter 3- Alehja and Amor

52 1 0
                                    

"Good morning mommy" sabay halik ko sa pisngi nya. First day of school ngayon. Excited ako.

"Halika na anak, kumaen na tayo"

Magkatabi kaming kumaen ni mama. Kaming dalawa lang lagi ang magkasama dito sa bahay at para na kaming magbestfriend.

"Anak magiingat ka sa school ha, mag aaral kang mabuti"

"Yes ma! Teka saan ang punta nyo at nakabihis kayo? Mamaya pa ang pasok mo na diba?"

"Magpapacheck up ako anak, may kung ano kasi akong nararadaman"

"Sasamahan na kita mama. First day lang naman namin ngayon eh" pagpilit ko kay mama habang naghuhugas sya ng pinagkainan namin

"Hay nako tumigil ka. Pumasok ka sayang ang ibinabayad ko pang tuition mo"

Gusto ko talaga syang samahan. Sobra akong nag aalala na pupunta sya sa hospital. Dalawa na nga lang kami ni mama kaya ayoko na magkakasakit sya.

Hinalikan ko sya sa cheeks at pumasok na ng school. Aba, bawal ako umalis ng hindi nag gogoodbye kiss sa pinaka mamahal kong tao sa earth.

Hehe.

Ang dami ko agad nakilala. At may group of friends na ko.

Si Tara ganda, Garry gwapo , Royce na matalino ,Lucy na maingay , Jermy na joker at ako.

Nag iisip na nga kami ng pangalan ng grupo namin e.

Magkakatabi kami sa seats kanina nung hindi pa nagsisitting arrangement .At ang saya saya nilang kasama. Tas sabay kami nag break time at Lunch.

"Guys guys, may itatanong ako"

pangungulit ni Lucy habang ako at si Royce nagbabasa ng books, si Tara nagmamake up, si Garry may katext, si Lucy lang ata at Jermy yung walang ginagawa .

"Ano bang itatanong mo?" Jermy

"May kalabaw, nasa ilalim ng puno ng mangga , e bumagsak yung mangga tumakbo yung kalabaw. Saan nagpunta yung kalabaw?" Sabay halakhak

"Ano ba yan akala ko naman seryoso o kaya baka logic, e kalokohan naman ata yan Lucy"

"Hoy Jermy ang kapal ha ,sayo pa talaga galing yan ha"

"Bakit?" Tanong ni Garry

Oh diba walang hula hula. Gusto sagot agad.

" eh kasi kumuha ng bagoong" bwahahahaahaha

At ayun tawa pa din ng tawa si Lucy sinamahan na din ni Jermy sa pagtawa.

Uwian na sa wakas. Puro orientation lang and introduction ng subjects.Nga pala Chemical engineer ang course ko.

"Sabay na sakin yung mga papuntang north" pagmamagandang loob ni Garry

"Wow may auto. Lez go" sabi ni Tara

Lahat sila doon ang way.

"Taga saan ka lehj?" Royce

"Sa kabila yung way ko e saka dadaanan ko pa si Mama ko sa Phil. University"

"Oh? Sakay na ihahatid kana namin dun." Alok ni Garry

"Yey joy ride"Lucy

"Yuhhuuu" jermy

At yun nga si Garry ang driver. Ako at si Tara sa front seat. Si Royce,Lucy at Jermy sa likod .

Ford Ecosport yung sasakyan ni Garry kaya kaya naman kami ni Tara si harap. Sexy din kasi tong bruhang to. Tas si Garry ang gwapo gwapo..

Cold Blooded MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon