Chapter 2

1 0 0
                                        

Julien's P.O.V.

Naglakad narin kami papunta sa Club Registration at nang marating namin ang pila ay inalis nila ang pagkakakapit nila sa akin. Nahiwalay ng linya sa amin si Suzy pero katabi parin namin siya.Nakahiwalay kasi ang pila ng mga lalaki sa babae.

"Jusko po ang haba pala ng pila!" Pagrereklamo ni Suzy. Mamaya ay tinawag ko siya."Suzy?" Sabay kalabit ko sa kanya sa balikat.

"YES?!" Medyo nagulat ako sa boses niya.

"Anong oras talaga umpisa ng klase natin?" Tanong ko.

"9:00 AM. Ay wait? Hindi mo ba nakita doon sa board?" Oo nga pala! Ang tangengot ko naman. Bakit hindi ko napansin? "Eh kasi masyado akong nag-focus doon sa room number ko eh." Sabi ko nalang.

"Ah HAHAHA!! Akala mo siguro late kana noh?" Agad naman akong napatango. "Chill kalang! 9:00 AM pasok naten! Okay?!" Sabi ni Suzy sa akin at napangiti nalang ako.

Maya-maya ay nandito narin kami kung saan nagpapalista ang mga estudyante.

"Oy James! Anong club sasalihan mo?" Pag-uusisa ni Suzy.

"Swimming. Sa wakas mafe-flex ko na ang sexy body ko!" Pagyayabang ni James.

Nabilaukan ako sa sarili kong laway. Si Suzy naman ay napaubo nang malakas.

"HAHA—-seryoso ka? Sa payat mong 'yan sa swimming ka sasali? HAHAHAHA tsaka anong sexy body ka diyan?! Siguro ngayon lang ako makakakita ng tingting na magpapalutang-lutang sa pool HAHAHAHA!!!" Tatawa-tawang pang-aasar ni Suzy kay James habang napapapalakpak pa sa paghalakhak. Hindi ko rin mapigilang matawa sa pinagsasabi ni Suzy, idagdag mo pa ang tawa niya na nakakahawa.

"Hoy! Kapag nanood ka sa competition ko eh baka kainin mo 'yang sinasabi mo!" Naiinis na natatawang banat ni James kay Suzy.

"Oh talaga? HAHAHA—Huy! Hindi ko trip ang mga tingting!" - Suzy.

"Hoy! Nagsalita ang hindi tingting! Ikaw nga mukhang poste eh!" Banat ni James. Habang ako ay dakilang taga-tawa lang sa kanila.

"Aba aba—hoy bawiin mo ang sinabi mo! Tsaka hindi ka lang talaga marunong tumingin ng sexy!" Naiinis na rin na sagot ni Suzy sa kanya.

"Lah? Anong sexy diyan?! Eh wala ka ngang dede!" - James.


Suzy's P.O.V.

"Lah? Anong sexy diyan?! Eh wala ka ngang dede!" Bigla akong napatulala sa banat ni James.

Hala?! Ang sakit nun ha! Kapal ng mukha mamersonal hmp! Suzy 'wag tayong magpapatalo! Isip ka ng banat! Isip!

Kasi naman ih! Dapat pala hindi ko nalang siya inasar! Kainis!

Ngayon ay tawa na ng tawa si James at Julien! Pinagtutulungan nila ako! Huhuhu I feel so betrayed! Hindi ko namalayan na kanina pa ako nakanguso kaya agad kong tinigilan yun.

Tsaka mabanggit ko lang si Julien. Payat siya at ang gwapo niya na ang ganda! Kasi ang liit ng mukha niya, parang hugis ng mukha ng babae. Pero mas lamang ang kakyutan niya HAHAHA! Mas lalo siyang naging cute kase natatakpan ng makapal na buhok niya ang noo niya. Tapos 'yung bag niyang kulay orange HAHAHAHA!!! Nanggigigil ako yieee!!! Basta para talaga siyang bata! Bata na parang nasa 5-8 years old na pinatangkad lang. As in batang-bata ang ayos niya, pati mukha niya.Tsaka malinis siyang tignan, tapos ang bango bango pa niya! Since ngayon ay nakakapit ako sa braso niya, sinisinghot ko siya. Tsaka parang ang sarap niyang yakapin HAHA! Wala lang, ang sarap lang sa ilong ng amoy niya. Halos magkasingtangkad kami ni Julien, pero si James ang pinakamatangkad sa aming tatlo.

You and I, ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon