□▨ 79 ▨□

7 1 0
                                    


~ • ¥ • ~

Putngina.

Ang sakit malaman na wala pala akong kwenta sayo.

Na wala lang pala akong halaga sayo.

Putangina.

Pero kahit ganon di ko magawang magalit sayo,

Mas nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ako  nagkakaganito.

Kung bakit ba kitang ginawa sentro ng buhay ko.

Kung bakit nakatuon lang ako sayo.

Putangina rin.

Sana pinigilan ko nalang sarili ko

Sana yung dati,

Yung wala akong pake-alam sa mundo,

Wala akong pake kung may natatapakan na akong tao,

Wala akong pake kung marami nang may galit sakin.

At least sa ganong paraan hindi ko pinapabayaan sarili ko

Hindi ko hinahayaan na abusuhin ako

Hindi ko hinahayaan na maging isang walang kwenta sa buhay ng isang taong ang akala ko may puwang ako.

Letse. Putangina.

Iniiyakan kita.

Iniyakan ko yung sinabi mo saakin nung gabing yun,

Iniyakan ko yung sa kadahilanang na napagtanto ko,

Na wala pala talaga akong halaga  sayo.

Pinagdudahan ko sarili ko,

Bumaba tingin ko sa sarili ko,

Parang napantig tenga ko at nag iba ang ikot ng mundo nung lumabas mismo sa mga bibig mo ang mga salita na yun.

Nawalan ako ng respeto sa sarili ko na hindi ko na alam kung bakit nagkakaganito ako sayo ngunit iba ka naman saakin.

Hayaan mo,

Sa oras na sawa ka na sakin ay sabihin mo lang,

Sa darating na panahon na ayaw mo na akong makita,

Sabihin mo lang.

Hindi ko ipagpipilitan na suklian mo ang nararamdaman ko,

Pero sana sa panahon na ayaw mo na

Maisip mo sana na palayaan mo rin ako.

Mahirap lumugar lalo na wala namang patutunguhan.

Mahirap sumugal lalo na hindi mo alam kung aabot pa ba kayo. (or kung may kayo ba talaga)

Kaya sa oras na ayaw mo na,

Sabihin mo saakin

Tatanggapin ko

Kahit pa yan yung pinaka masakit.

kay lang

Naiintindihan ko na ganyan ang buhay.

Na minsan kung sino pa yung ibinigay ang lahat siya pa yung nakakatanggap ng kulang.

Ps: eto na ata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Hindi ko to masasabi sayo dahil wala akong balak na ipaalam sayo. Ang gusto ko ay ikaw mismo ang makaalam at makatuklas ng iyong ginawa kung bakit ako nagkakaganito. Sawa na akong makatanggap ng ganito mula sayo.

Fractures | ✏️Where stories live. Discover now