MSO 2: Game Master

158 4 0
                                    

(A/N: Sorry sa sound effects. Comment lang kayo para malaman ko ang insights nyo to my story. Enjoy reading!  ^_____^   )

********

•••• September  29, 2020 - 12 hours ago •••

"Uy pre, na-accomplish mo na ba yung quest na Hell of Hades sa MSO?" Tanong ng kaklase kong si Oliver kay Jacob.

"Wala pa pre, level 43 pa lang ako. Kailangan kasi doon level 90. Balita ko nga na may isang group party o raid ang naka accomplished ng quest na iyon at lahat sila ay level 90."

"Oo nga pre. Balita ko rin na ang nakuha nilang reward ay tag-iisang summoning flute. Summoning flute ng mga griffons."

"Talaga pre? Asar! Magpa-palevel up talaga ako para ma-accomplish iyang quest na iyan."

Tsk. Ingay! Para silang mga babae, talak ng talak. Alam nilang may natutulog dito.

*RRRRRIIIIIIIIIINNNGGGG*

Lunch na sa wakas! Nakakaboring ang mga tao dito. Lumabas agad ako sa classroom at tumungo sa gate ng school. Di na ako papasok mamaya, nakakatamad. Lalaro na lang ako. Konting hakbang na lang ay nasa labas na ako ng school nang may tumawag sa akin.

"Ren! Uuwi ka na?!" Humarap ako sa tumawag sa akin. Tss. Si Henri lang pala. Tumakbo sya papunta sa akin at inakbayan ako. Tinanggal ko naman ang pag-aakbay nya sa akin.

"Oo."

"Sungit mo naman, tol. Di bale, pasok ka mamaya ah, baka umabsent ka."

"Pag-isipan ko pa. Sige, mauna na ako." Sabay labas ng school. Nga pala, best buddies kami. Di lang halata. Sya pala si Henrick Moore, and we're both 4th year highschool.

"Bye Ren! Ingat!"

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating ko na ang bahay namin. Pumasok ako at nakasalubong ko si Mama.

"Oh Rentao, andyan ka na pala. Diba may pasok ka pa mamaya?" Tanong ni mama.

"Wala na po. May meeting daw ang mga teachers kaya walang pasok." I lied.

"Ganun ba. Sige. Lalabas muna ako. May bibilhin lang ako. Ikaw na bahala sa bahay at sa kapatid mo."

"Opo." At hinatid ko sya palabas at pumasok ulit. Haay~ kapagod. Asan na kaya yung batang yun? Mapuntahan nga sa kwarto nya.

When I'm in front of her room, I hear some noise coming in there. I check if its lock and luckily it's not. I slowly open it and I saw her holding a gun. No, its a pellet gun connecting to a video game and she's also wearing a sunglasses I think. Naglalaro pa rin sya hanggang ngayon ng kung ano man ang nilalaro nya? Kumain na ba sya?

"Hoy! Nakakain ka na?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi nya ata ako napansin at narinig.

"Huy! Kinakausap kita, Aimer!" Tss. Hindi nya ako naririnig. Tinanggal ko ang suot nyang sunglasses.

"Ano ba?! Sinong tumang— hi kuya! Hehehe! Anong ginagawa mo dito?"

"Tss. Just checking you out. Baka ano nang nangyare sayo. Did you eat? Tanghali na oh."

"Wala pa. Kahit umagahan wala. Haha!"

"Bumaba ka at kumain ka na. Wala dito si Mama, may bibilhin lang sa labas. Nga pala, remind mo ako kapag 1:00 na."

"Bakit? Ikaw naman ang lalaro? Eeesh. Sige sige. Ma-try rin nga yang MSO na yan minsan." Dumiretso ako agad sa kwarto. Anong oras na ba? 12:50. Lapit na. Nuod na lang ako ng tv.

Monster Slay Online (MSO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon