COVID-19

5.7K 33 4
                                    

"COVID-19"

by cindie L.

.

Ako'y isang manunulat, na minsan lamang sumulat

Kapag ang bawat emosyon ko'y tila dikit na sa balat

Sa isyu ngayon na lubhang kalat na kalat

Kaya sa paraan ko'y aaksyon kahit tinig ay mamalat

.

Sa isang manunulat na tulad ko'y, panulat ang mikropono

Mambabasa ang tagapakinig, bawat letra ang tinig ko

Bibigyang pansin ang mabigat na suliranin

Nakakahawang sakit na tinatawag na COVID-19

.

Ang COVID-19 daw ay walang pinipili

Ngunit kaibigan ikaw ay nagkakamali

Dinadapuan ng sakit ay mga taong tamad

Na maghugas ng kamay at magtanggal ng libag (XD)

.

Hindi rin ligtas ang mga taong pasaway

Na sinaway na ng lider na wag lumabas ng bahay

Ngunit sige pa rin sa kanto ay patambay-tambay

Hala sige, sunod ka pa sa bumubulong na may sungay.

.

Hindi ko rin makalilimutang bigyan ng pugay

Mga pulis, sundalo, nars at doktor na nagbubuwis buhay

Na sabi nga nila'y, isang paa nila ang nasa hukay

Wag kayong mag-alala, Panginoon ang inyong gabay

.

Tunay ngang mabigat ang kinakaharap natin

Ngunit kumalma lamang, sumunod at manalangin

Kaya bago pa matapos ang tulang nasimulan

Isang munting hiling ang aking iiwan para sa bayan

.

Nawa ay gumaling na ang mga taong apektado

At tuluyang mabawasan ang mga naitalang kaso

Bawat mamamayan ay maging DISIPLINADO

Hindi lamang sa bayan ko kundi maging sa buong mundo.

.

#COVID19 #KayaNatinTo #PrayForEveryone

.

Thanks for Reading! ^_^

.

I sincerely pray for all of us.

-cindie L.-

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
COVID-19 (Tula#26)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon