2

26 2 0
                                    

Chad's

Hindi ako makapaniwala na babalik siya sa ganyang hitsura, alam ko galing siyang ibang bansa akala ko babalik siyang sopistikada, sosyal at kung ano pa pero hindi, bumalik siya ditong nang lalalim ang mata, mas lalong lumalim ang mga mata niya hindi kagaya noon, payat na din siya hindi kagaya noon na mataba taba, ngayon akala mo hinigop. Pero hindi pa rin nawawala ang ganda niya, hulma ng katawan niya ganon pa rin. Kamukhang kamukha niya mga anak namin, pinag tataka ko lang bakit inabot siya ng 5 taon bago nag pakita ulit. Sinabi ko sa kanyang may girlfriend ako at kitang kita ko kung paano siya nasaktan. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa mas masakit yung ginawa niyang pag iwan samin ng mga anak niya. Mahal na mahal ko siya pero hindi naman pwede na ganon ganon lang mag sosorry tapos wala na.
Pina tulog ko siya sa kwarto ko pero sa lapag kahit gustong gusto ko siyang katabi tiniis ko siya.

Kinaumagahan, maaga siyang nagising pag baba ko ng kusina naka luto na lahat kahit kailan talaga pag dating sa lutuan hindi to nag papahuli, mahilig mag luto mag bake. Pero ang tinapos nasa medical field. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti, bumabawi talaga siya.
At ang sasarap ng pagkaeng naka hain sa lamesa, fried rice, cornbeef, scrumbled egg, hotdog corn soap.

"Kain na kayo, gising na ba mga bata?"

"Ikaw na gumising sa kanila, sabayan mo na din kaming kumain".

Agad agad siyang umakyat at tinawag mga anak namin.

Bumaba nakasimangot ang nag iisa kong anak na babae, manang mana sa nanay talaga

"Daddy, she's annoying, i told her i don't want to eat but she keeps on insisting that i have to eat, she can't understand that i don't want to eat, stupid!!!" -sky

Nagulat ako sa sinabi ng anak kong babae, at saan niya nakuha yang ganyang salita niya.

"Skeyesha Isabelline! Watch your words, saan mo natutunan yang ganyang salita na yan ha?" Chad

"I'm sorry daddy, hindi ko po sinasadya. Ayoko po kase ng pinipilit niya po ako"

"Say sorry to her, hindi sakin"

" Sorry yaya" sabay irap

Hindi ko alam pero natawa ako, nakahanap ata ng katapat na ang asawa ko nakita ko siyang nakataas ang kilay sa anak namin at ang talim ng tingin.

"Okay"  sabi lang ng asawa ko pero naka taas ang kilay sa kanya.

Serine's

Nagulat ako sa sinabi ng anak ko sa akin, she told me i'm stupid, napataas ang kilay ko sa sinabi niya mukhang eto ang katapat ko ah.

"Hey sky wag kang ganyan, matanda pa rin siya sayo. Hindi naman masama ang ginawa niya natural kakain na kaya ka niya ginising, nagiging bastos ka ata ha, tigil tigilan mo yang kakasama sa girlfriend ni daddy"- zach

"Girlfriend? May girlfriend talaga" -erine

"So what if he has a gf? You like my daddy? I don't like you i hate you" - sky

"She's a witch ate, look at her hahahaha dark eyes and skinny"

"Skyesha Isabelline and Cloud Emmanuel tumahimik kayo kumakaen tayo" - zach

"Kids, enough nasa hapag tayo" -chad

"Bakit ba kasi daddy kasabay naten siya kumaen? Hindi naman siya si nanay nena ah" -sky

"Diba umalis na si nanay nena? Hayaan mo na muna si yaya erine ha"

Inirapan nanaman ako ng anak kong babae. Napaka maldita talaga.

If Leaving You is EasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon