Kabanata 7

21 0 0
                                    


Yana's POV

I met the heirs of Monteverdes and they are all nice. Nakausap ko rin ang pamilya ni Devie, 'am crossing fingers that they will agree on the cancelation of the wedding.

I am currently here at table ng mga anak ng mga Monteverde with Shanti, Akie's girlfriend, and Mony, the youngest's wife. I am sitting beside Hemmy whom I call Madness right now.

Binigyan niya kasi ako ng nickname na Peace kaya naman binigyan ko din siya. Alam niya din yung buong pangalan ko tsaka ibig sabihin ng pangalan ko, mukhang nagresearch tong lalakeng to. Pero siyempre siya na rin nagsabi kanina na madalas kasi ako sa newspapers at mga magazine kaya kilala niya ko. Hindi ko alam kung joke o ano pero binabasa niya talaga yung mga columns na nafifeature ako? Very impossible, very rare ang nagbabasa tungkol sa akin. Unless gusto lang nilang mapalapit dahil may pera ako o dahil may kaya ako but I doubt because these are rich people too. 

"Ano sabihin mo na kung bakit masaya ka?" Sabi niya sa akin. Kanina pa ako kinukulit kung bakit ako nakangiting bumalik doon sa kanya. "Was it a success?" Tanong niya. Alam ko na kung ano yung sinasabi niya kaya naman I just nodded my head in response.

"Really?" Tanong niyang sobrang lakas na pumakaw ng atensyon ng mga kasama namin. Sinamaan ko siya ng tingin sobrang ingay niya.

"Share niyo naman," sabi tuloy ni kuya Akie.

"Kasi kuya kinausap niya si tita, tito Henry at Lolo na icancel yung----" tumayo na ako at tinakpan ko na yung bunganga niya.

Nakakainis talaga! Sobrang ingay at may pagkachismoso pa tong lalakeng to. Tapos nginitian ko na lang sila.

"To cancel what?" Sabi ng isang pamilyar na malamig na boses sa likuran namin. Pag tingin ko, shocks!

Bakit andito siya? Tanong ko sa sarili ko.

Malamang 'te party to ng pinsan niya. Ikaw kaya ang tanungin ko kung nakit ka nandiyan eh diba canceled fiance ka. Hahahaha.

Walang hiya talaga si author! Soon to be canceled pa lang kaya wag kang kumontra!

"Kuya Devie!" Sigaw ni Chae. "You came. I thought dadamdamin mo na naman yung pagpapasakal este kasal niyo ni Yana!" He added. That was straight to my heart, alam kung joke siya pero tagos parin siya sa puso.

So nagdadamdam talaga siya at nahihirapan talaga siya. Di ako makahinga parang ang bigat bigat kong problema sa kanya. Nahihirapan naman din talaga ako sa sitwasyon namin and I am trying my best to cancel this. Ayoko din sa kasal na to dahil may nasasaktan akong mga tao.

I saw how they looked at Chae badly. Kinurot pa nga siya ni kuya Rogue at yung bunso na si Ray. But I still smiled at them and said, "Don't worry. I came here to actually talk to his parents and to your grandfather on the cancelation of the wedding. And sabi ni Lolo... NIYO he will consider it and for now, no wedding will happen next week. It's postponed. Not until makapagdecide sila ng maayos kung anong gagawin. I just hope hindi na lang siya cancelation but termination para wala akong nasasaktang ibang tao. If you'll excuse me, I need to use the restroom," pagkasabi ko no'n I grabbed my things, stood up and walked straight, away from them.

"Peace! Wait!" I heard Hemmy screamed pero hindi na ako lumingon.





Rogue's POV

"Ikaw talagang lalake ka! Napakarude mo!" Bulyaw ng buntis na si Mony. "Umalis tuloy si Yana. Love, please bring back ate Yana here," ani niya na umiiyak na naman sa asawa niya. Mga buntis talaga, ang sensitive. Pinaglilihian na niya ata si Yana kaya ayaw niyang paalisin.

Forced Marriage To A MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon