Kabanata 9

12 0 0
                                    

"Dalawa ang mananalo sa gabing ito dahil mabait ang ating Don Julio Montoverde na magbigay ng premyo para sa gabing ito. The winners will be receiving a luxurious vacation and a cash price," saad nang MC. The crowd gasped in excitement making them interested kung sino ba ang nanalo kanina.

"And the winner first winner is..."

"Sh*t! Kinakabahan ako!" Sabi ni Rogue sa kanila habang pinagsaklop niya ang dalawa niyang kamay sa isa't isa na para bang nagdadasal.

"Bakit ka kinakabahan kuya?" Tanong ni Akie sa pinsang nakapikit na ang mata habang inaantay ang anunsyo.

"Ayokong makasama yung babaeng yun no. Feeling ko talaga mananalo kami pero the thought of that girl with me in that vacation is just so ruthless to hear," sagot niya sa pinsang punong puno ng kuryosidad.

"Rogue and Nes," biglang pinagsakluban ng langit at lupa si Rogue sa narinig habang naghihiyawan naman ang mga tao. Oo't gusto niyang magbakasyon dahil sa stress sa kompanya niya pero ayaw niyang makasama yung babaeng yun.

"Please come at the stage to claim you prize," sabi pa nung MC. Pinagtutulak nilang magpipinsan ang kuya Rogue nila kaya naman wala na itong nagawa. Habang naglalakad naman ng walang expresyon sa mukha si Nes papuntang stage.

"They're cute," sambit ni Yana habang tinitignan silang dalawa sa stage na nagbabangayan na naman, na narinig ng dalawang katabi na si Hemmy at Mony. They nod in agreement to what she said.

Habang nasa stage si Rogue nakikipagpicture dahil kailangan daw ng ebidensya.

"Wag kang magsaya. Ayaw kitang makasama doon no!" Pagtataray ni Rogue kay Nes habang nakangiti sa camera.

"Sinong nagsabing nagsasaya ako ngayon ha? Kung hindi lang ako nahihiya sa pamilya niyo baka kanina pa kita inupakan. Bwiset!" bangay naman ni Nes sa lalake. 

Such an annoying man, Nes whispered. 

"What did you say?" Rogue also silently asked if he heard things right. Nes gave him a look and didn't bothered answering him.  

Bumalik na sina Rogue at Nes sa kani-kanilang upuan. Nang biglang magsalita ulit yung MC, "And for our second winner who captured the hearts of our crowd and the fastest couple to finish the race..." biglang may drumroll. Nakatuon parin ang paningin nilang magkakalamesa sa MC sa harap, inaantay nilang sabihin kung sino man yun.

"Hemmy and Yana," sigaw nung MC tapos biglang nagka-spot light doon sa kinauupuan ng dalawa. Nahiya tuloy si Yana dahil nasa kanila na naman ang atensyon. Ngumiti na lang ito pero halatang nahihiya pa.

"Please come at the stage sir and maam for the prize," utos nong MC sa kanila. Mabilis naman na inabot ni Hemmy ang kanyang kamay kay Yana. Tinignan pa niya ang binata bago nito iabot din ang kamay.

Magkahawak kamay silang dalawa na pumuntang stage, "Mukhang alam na po natin kung sino ang susunod na ikakasal," pagbibiro nung MC at nginitian lang naman siya nung dalawa.

Halatang masaya ang Don sa pag-aalaga ni Hemmy kay Yana. Lihim din na sumaya ang mga magulang ni Hemmy dahil sa ginagawa ng anak nila. Ngunit hindi nasisiyahan si ang daddy ni Devie sa pagwawalang bahala ng anak sa dalaga. Napahiya na nga silang mag-asawa sa ama at sa mga kapatid nang makitang may kahalikan si Devie sa harap pa ng fiance nito.

"Henry! Your son is a jerk," sambit ng kaniyang ama sa kaniya. Nasaktan ito pero alam naman niyang totoo kasi ito.

"Sorry, papa," paghingi nilang mag-asawa ng tawad sa ama. "I should really consider Mayhem to be Yana's husband," nasambit tuloy niya ng wala sa oras. Yumuko na lang ang mag-asawa sa kahihiyan buti na lamang at hindi pa publicly announce kung sino sa mga tagapagmana ng Monteverde ang ipapakasal sa dalaga kung hindi malaking gulo ang papasukin na naman nila.

Forced Marriage To A MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon