Good Morning sa pinakamamahal kong Joy!"
Bati ko sa kay Joy sa pamamagitan ng text."Good Morning din mahal kong Aldrin!"
Sagot na bati rin niya.Matagal na kaming magkarelasyon ni Joy at umabot na kami ng isang taon. Mahal na mahal ko siya at wala na akong ibang hinihiling kung 'di ang makasama siya sa panghabang panahon, kahit pa sa video call palang kami nagkikita. Masyado kasing malayo ang probinsya niya, samantalang ako ay nasa Manila.
Sa araw at gabi ay walang patid ang pananalangin ko sa may kapal na sana ay magkita na kami."Tara gala tayo!", "Picture naman tayo Joy!" "Pakiss nga ako mahal ko!" "Lika ng dito, yayakapin kita."
Ilan lamang ang mga salitang yan sa nais kong sabihin sa kanya ng personal, kaso wala eh, wala siya sa tabi ko para maglakas loob na sabihin sa kanya ang mga bagay na yan. Masakit mang isipin pero hanggang chat at video call lang kami sa ngayon, pero may usapan kami na balang araw ay magkikita kami na wala nang bundok, dagat, distansya at milya ang pwedeng humarang sa amin, yung tipong hindi na namin kailangan ng internet para lang magkita at makapag-usap. Nanalig akong lubos sa aming panata, nanalig ako na basta magpakatatag lang kami ay malalagpasan din namin ang pangungulila sa isa't isa at nanalig ako sa pangarap kong balang araw ay mayayakap, mahahalikan at makikita ko rin ang napaganda niyang mukha sa personal. Ngunit ang pananalig kong yun ay biglaang nasayang nang sukuan niya ang sistema ng relasyong mayroon kami.
BINABASA MO ANG
"Himig Ng Pag Ibig"
RomanceAng himig ng pag ibig nina joy at aldrin Sana magustuhan niyo yung story :))