Sinubukan ko siyang tawagan pero walang nangyari, dahil sa malamang ay nagpalit na siya ng number at nakablock na rin ako sa facebook. Dahil sa kagustuhan kong maka-usap siya at subukang kumbinsihin na 'wag siyang sumuko sa relasyon na itinatag namin ay gumawa pa ako ng ibang account para ma-ichat siya, pero walang nangyari, dahil makalipas ang isang linggo ay wala pa rin siyang reply sa chat ko at napagtanto ko na iba na ang ginagamit niyang account at yung account na ginagamit niya ay wala akong idea kung anong pangalan ang ginamit niya.
Para bang sa pakiramdam ko nung mga oras na yun ay tila lumagapak ang langit sa kalupaan na isang taon na girlfriend ko siya ay nawalan lang ng kabuluhan.Kinukulayan ang isipan
Pabalik sa nakaraan
'Wag mo nang balikan
Patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip
Sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit
Ang pangalang nakasanayanAng malas lang kasi hindi manlang kami pinagtagpo, pero ganun pa man ay naniniwala pa rin ako na kahit ano pa man ang nangyari ay baka kami ang itinadhana, dahil sadyang mapagpaglaro itong mundo.
Naghintay ako ng matagal na kumakapit lamang sa huling sinabi niya bago siya nawala, na hahanapin niya lang ang sarili niya, baka kasi kapag nagawa niya na yun ay ako naman ang hanapin niya, pero sana naman ay hindi siya nakahanap ng iba.
Lumipas ang mga taon ay hindi pa rin nawawala ang alab ng pagmamahal ko sa kanya na nakakubli sa puso ko. Araw at gabi ay wala akong ibang hinintay kung 'di ang matupad ang huli niyang binitawang salita. Nagpatuloy ako sa paghihintay sa kanya at sinamahan ko rin ng pagkilos, na minsan ko na ring nagawa na puntahan siya kung saang probinsya siya naroroon, nagtanong tanong ako kung may nakakakilala ba sa kanya ngunit bigo akong mahanap siya.
BINABASA MO ANG
"Himig Ng Pag Ibig"
RomanceAng himig ng pag ibig nina joy at aldrin Sana magustuhan niyo yung story :))