Chapter 5 (Final)

246 3 1
                                    

Sa wakas ay Birtday ko na, grabe hindi ko talaga inasahan na maraming pupunta, medyo kinakabahan tuloy ako sa "Kalokohan Band" namin, baka kasi puro kalokohan lang din ang gawin ng mga pinsan kong literal na maloko.

Simula pa lang namin ay may nagrequest na agad na isang matanda ng Manok na Pula, bwiset! Bakit yun pa?
Sabi ko nalang ay hindi namin alam yun, kaya hindi namin tinugtog, kasi puro kalokohan lang naman yung kanta na yun. Una naming tinugtog ay ang rock na Happy Birtday kaya naman palakpakan ang mga tao sa cover namin dun na hindi nila inasahan na pwedeng gawing rock ang Happy Birthday.

Nagsunod sunod ang request ng mga tao sa banda namin, mapabata, dalaga, binata at mga matatanda ay tuwang tuwa sa amin. At hanggang sa maya-maya ay tinawag ako ni Mama.

"ANAK!"
Tawag niya sa akin kaya naman napalingon ako sa gawi ni Mama.

"Ma, bakit?"
Tanong ko sa kanya.

"Pwede daw ba siyang magrequest!?"
Sabi niya sabay turo sa isang babaeng kakalabas lang mula sa gilid at diretsong tumingin sa akin ng nakangiti. Nung mga oras na yun ay hindi ko napagilan ang luha kong bumuhos sa sobrang tuwa na ngayong abot tanaw ko nalang ang babaeng hinintay ko ng tatlong taon at walang iba kung 'di si Joy.

Tumakbo agad ako ng mabilis at nang makalapit ako kay Joy ay hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya ng sobrang higpit.
Isa lang naman ang tumatakbo sa isip ko nung mga oras na yun, kung 'di ang lubos na pasasalamat ko sa maykapal, dahil ibinigay niya na sa akin ang aking hinihiling na matagal na.
Habang magkayakap kami ni Joy ay para bang nangungusap ang aming damdamin na sa wakas ay dumating din kami sa punto na magagawa na naming magyakap at mahagkan ang isa't isa.

"Happy Birthday sa pinakamamahal kong Aldrin!"
Sambit niya sa akin ng matapos kaming magyakap.

Rinig ko ang palakpakan at kanyawan ng mga tao sa paligid namin at mula sa kinaroroonan ng aming banda ay tila ba may gumamit ng gitara kayat napalingon ako sa banda saglit. Nakita kong yung isa kong pinsan na babae pala ang siyang pumalit sa akin sa pagkanta at ngayon ay tinutugtog na nila ang kanta ni Moira.

Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling

(Lubos ang hirap at pagtitiis ang ginawa ko para kay Joy noon pa man, 'di ako sumuko sa paghihintay at pangungulila sa kanya at patuloy lang akong nanalig na balang araw ay magkikita rin kami.)

At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kung sakali mang
Ika'y mawawala

(Ewan ko ba! Hindi ko na talaga maipaliwanag ang nararamdaman kong saya ngayong nakatitig ako sa mga mata niya at ganun din siya sa akin.)

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako

"Aldrin, patawad kung nagawa kitang iwan noon, kina-ilangan ko kasing gawin yun upang makapagfocus sa pag-aaral. At balak kong kapag nakatapos na ako ay hahanapin kita."
Sabi niya, pero para sa akin ay hindi niya na kailangang manghingi ng tawad dahil nakabawi na siya, dahil kaharap ko na siya ngayon.

"Hindi mo kailangang manghingi ng tawad. Sapat na sa akin yung nandito ka na at ikaw ang pinakamasaya at pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong kaarawan ko. I love you so much."
Sabi ko sabay halik sa labi niya.

"I love you too, Aldrin!"
Bawi niya saka siya bumawi rin ng halik sa akin, yung halik na matagal kong hinangad at yakap na mula sa kanya na aking pinapangarap at sa wakas ay natupad na.

Lumipas ang mga buwan ay kinumbinsi siya ni Mama na dito na tumira sa bahay.
Sa ngayon ay pareho kaming Accountant, pero magkaiba ng kompanya. Sinusulit ko talaga ang bawat oras na nakakasama ko siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko na siya na para bang isang alkansya na matagal kong hinulog hulugan at sa wakas ay nabuksan ko na, parang isang mamahaling bagay na matagal kong pinag-ipunan at ngayon ay nabili ko na at parang isang buto na puno na itinanim ko at ngayon ay namumunga na.
Salamat sa panginoon dahil binigyan niya ako ng ibayong katatagan upang malagpasan ko ang hirap ng paghihintay sa taong mahal na mahal ko. Napatunayan ko na hindi pala ang distansya ang hadlang sa pagmamahalan, kung 'di ang katatagan at pagtitiwala na kapag nawala sa dalawang taong nagmamahalan ay tiyak na walang mapatutunguhan.
Sa tatlong taon kong ginugol sa pagkapit sa mga himig na binitawan ni Joy bago siya nawala ay kailan man ay hindi ako nasintunado sa pagsabay ko sa tono ng isinisigaw ng puso ko at kailan man ay hindi nawala ang tinig sa damdamin ko na nagresulta sa isang napakagandang awitin ng aming pagmamahalang walang kasing tatag.

"Himig Ng Pag Ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon