Chapter 4 (Semi Final)

230 4 0
                                    

Kay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin
Para hanapin ka
Nilibot ang distrito
Ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka
Sinusundo kita
Sinusundo...
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo

Sa patuloy kong paghihintay at sa pagkapit sa pananalig na babalik siya, hanggang sa ang araw ay naging linggo, at ang linggo ay naging buwan at ang buwan ay naging taon at sa ngayon ay pangatlong taon nang wala siya.
Minsan ay sinasabi ng sarili ko na dapat ay kalimutan ko na siya, dapat ay sukuan ko na ang paghihintay ko sa kanya at dapat ay subukan ko nang magmahal ng iba, dahil walang kasiguraduhan ang mga binitawan niyang salita at walang kasiguraduhan kung ako pa rin ba ang iniisip niya o mayroon na siyang iba.
Pero hindi, hindi ako nagpatalo sa sariling impluwensya ng pagkatao ko at hindi ako nagpatalo sa nararamdaman kong pangungulila kay Joy, bagkos ay hindi ko hinayaang mawala ang alab sa puso ko para sa kanya.

Isang araw ay may magaganap sa bahay namin na isang party. Birtday ko kasi at pinaghandaan talaga ni Mama yun, gusto pa nga niya ay kumuha pa ng live band, pero sabi ko naman ay kami nalang ng mga pinsan ko ang tutugtog, kompleto naman ang mga pinsan ko sa mga instrument at may gitara naman ako. Ewan ko kung bakit kailangan pa ng banda, dagdag gastos lang yun eh at hindi naman kailangan sa isang Birthday party yun, pero hinayaan ko nalang si Mama.
Dalawang araw bago ang party ay napaghandaan na namin ng mga pinsan ko ang pupwestuhan ng banda na tinawag naming, "Kalokohan Band" kasi naman biglaan ang pagtugtog namin. Sa akin napapunta ang pagkanta at paggigitara at yung mga pinsan ko ay nagkanya kanya na ng pwesto sa instrument.

"Himig Ng Pag Ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon