Chapter 6 - Unknown Message

356 21 0
                                    

Lawrence P.O.V.

Sunday Morning. Maaga akong nagising at nagtimpla ng kape. Wala kasi si Kuya Clyde dahil may aasikasuhin daw ito sa trabaho niya. Si kuya pala ay isang Manager sa isang kilalang Restaurant. Nagulat na lang ako ng biglang may nagtext sa akin.

"Hi baby!" chat ng isang unknown sender.

Hindi ko ito nireplyan bagkus ay binuksan ko na lang ang T.V. at nagstart manuod ng favorite kong anime.

"Ang sungit naman ni Crush! Ang cute mo po kaya sa yellow tshirt mo nung friday!" sunod nitong chat.

"Stalker ko ba ito" sabi ko sa sarili ko bago ko replyan.

"Sino ba ito?" reply ko dito.
"Secret Admirer mo!" reply nito sa akin na kinagulat ko naman.

"May nagkakamali pa pala sa akin" sabi ko sa sarili sabay ngiti

"Meaning ko, anong pangalan mo?" text ko dito na hindi naman nasundan pa ng kanyang message.

Pagkatapos kong inumin ang kape ko ay dumiretso na ako sa Cr para maligo. Magsisimba kasi ako at pagkatapos ay babalik ako sa apartment ni Kuya Dan.

Pasakay na sana ako ng Jeep ng bigla kong napaisip kung napatay ko ba yung ilaw sa kwarto ko.

"Anak ka talaga ng tokneneng!" irita kong sabi sabay balik sa bahay.

Eksaktong pagbalik ko ng bahay ay nakasalubong ko si Justin.

"Linggong linggo at bakit parang pang biyernes santo yang mukha mo?!" bungad nito sa akin

"Wala may babalikan lang sa bahay!" sagot ko dito

"Simba tayo!" pahabol ko ditong sabi na sinangayunan naman niya agad.

Lintek naman talagang buhay na ito. Bumalik pa ako eh sarado naman pala ang lahat. Pero okay na rin yun atleast makakasama ko si Justin magsimba.

Pumunta na kami ng simbahan ni Justin at naupo sa paborito naming pwesto ni Kuya pagnagsisimba.

"Bakit parang ang lalim naman ng iniisip mo Lawrence?" tanong ni Justin sa akin.

"Nagtalo kasi nung nakaraan yung dalawa kong Kuya at sigurado akong ako ang dahilan!" sabi ko dito
"Bakit ano namang ginawa mo?"
"Iyon nga ang gusto kong malaman Justin eh pero wala talaga akong ideya" sagot ko dito nang bigla na lamang may umubo sa likod namin.

Sabay kaming lumingon ni Justin at nakita namin ang isang Ale na mukhang galit na galit na dahil wala na siyang naintindihan sa misa ni Fr.
Nanahimik nalang kami at pagkaraang matapos ang misa ay niyaya akong kumain ni Justin sa labas.

"Kain tayo doon kila Aling Martha!" anyaya nito sa akin na tinanggihan ko naman.

"Sorry Justin! Kailangan ko kasing pumunta sa apartment ni Kuya Dan may naiwan akong gamit eh"

"Kung gusto mo sumama ka na lang!" sabi ko dito.

Sumama nga siya at bumili na lang kami ng pagkain sa labas. Kung sineswerte ka nga naman ba ay may nakasalubong kaming mokong.

"Tj!" sigaw ni Justin na kaagad kong hinatak upang magtago.

"Siraulo ka talaga! wag kang maingay!" pabulong kong sabi dito sabay kaltok sa ulo niya.

"Hi Baby! Tinataguan mo ba ako?" sabi nito sa akin na ikinagulat ko.

"Bakit naman kita tataguan aber? sino ka ba?" lapit ko dito sabay taas ng kilay.

Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at nagmadali na kaming pumunta sa apartment ni Kuya.

"Ikaw kasi tinawag mo pa!" iritable kong sabi kay Justin

"Bakit naman hindi? at akalain mo dito rin siya nakatira sa building na ito.

"Ewan ko sayo! Halika na nga at 7th floor pa tayo!"

Inabutan naming bukas ang pinto at mukhang wala si kuya. Isinalin ko na yung pagkaing binili namin ni Justin at nagumpisa na kaming kumain.

"ahem! ahem" ubo ni Justin na mukhang nasamid ata sa kinakain.

Sa pagabot ko ng tubig ay nagulat akong nandiyan na si Kuya Dan. Naligo pala ito at nakatapis lang ng towel.

"Bakla ka! Alam ko na kung bakit ka nasamid, siraulong ito!" sabi ko dito na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kay Kuya Dan

"Kain po tayo Kuya Dan!" pabebe nitong sabi sa kuya ko na sinitsitan ko naman.

Sumabay na sa amin si Kuya Dan at nagulat sa mga sinabi nito.

"Pumunta pala dito yung boyfriend mo kanina at nakipagusap sa akin!" sabi nito na kinagulat naming pareha ni Justin

"BOYFRIEND?!" sabay naming sabi ni Justin.

"yung kahali....." naudlot nitong sabi dahil sa sumigaw ako

"Si Tj kuya!"
"Magsyota na pala kayo pero hindi ka man lang nagsabi sa akin Lawrence!" sabi nito sa akin na nakangisi pa.

"anong pinagusapan niyo kuya? At isa pa hindi ko siya boyfriend like duhh!" inis na inis kong sabi dito.

Hindi na nagsalita si Kuya at tumawa lang ito ng tumawa. Pagkatapos nun ay umuwi na kami ni Justin. Bandang alas singko ng hapon ng biglang magring ang phone ko. Akala ko si Kuya Clyde na ngunit yung secret admirer ko na naman.

"Ang cute mo baby kanina sa blue tshirt mo!" text nito sa akin

Nagulat ako at paano niya nalaman na nakablue akong tshirt. Iniistalk talaga ako nito eh. Malaman ko lang talaga kung sino ito sasakalin ko talaga.

My Crush Fall in Love with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon