LAWRENCE P.O.V.
Maaga akong nagising at hindi na hinintay pang gumising si Tj. Nagtext kasi sa akin si Max at nagaaaya itong magusap sa labas. I decided na sumama kay Max dahil kinabukasan pa naman ang balik namin sa school. Gusto ko na rin kasing aminin sa kanya ang nararamdaman ko.
Nagkita kami sa simbahan at dumiretso kami sa Cafe Yoga na favorite naming puntahan ng kaibigan kong si Mek. Kinakabahan ako ng mga oras na iyon at hindi mapakali.
"Long time no see Lawrence ah? Asan si Mek?" tanong ni Kuya Sean sabay abot ng isang broshure ng kanilang menu.
"wala po Kuya Sean eh atsaka po bihira na lang po kami nun magkita!"
"Si Max nga po pala! School mate ko po!" pahabol kong sabi dito na nginitian niya naman.
Kinakabahan ako habang tinitignan ko si Max habang nagbabasa ng Menu.Inabot na nito ang menu kay Kuya Dan at tinuro ang nagustuhan.
"Usual Order pa rin po Kuya Dan!"
"Let's go back to the main topic lawrence! May sasabihin kasi ako sayo!"
"Ako rin eh pero ikaw na mauna!" kabado kong sabi dito.
"Uhm... may gusto kasi ako kay Patricia yung kaklase mo!" sabi nito
Parang gumuho ang mundo ko ng marinig iyon. Hindi ako makaimik at hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko. Gusto kong tumakbo palabas ng Cafe at umiyak sa kalsada.
"Pwede mo ba akong tulungan sa kanya?" tanong nito na sinuklian ko ng ngiti kahit ang totoo naman ay ang sakit sakit na ng nararamdaman ko.
"Oo naman Max! yun lang pala eh!"
Bago pa man dumating ang order namin ay nagpaalam akong pupunta ako ng comfort room. Humarap ako sa salamin at dahan dahan bumagsak ang mga luha ko.
Kaya pala nakipagkilala ang masungit na katulad ni Max sa akin ay dahil sa may motibo pala ang pakikipagkaibigan nito sa akin.
Naiyak ako lalo ng mga oras na iyon. Napapunas ako ng luha ko ng biglang pumasok si Kuya Sean sa loob upang ibalik ang mop.
"Are you alright Lawrence?"
"Uhm opo Kuya Sean! nasamid lang ako kanina!"
"huh? kakadala ko lang ng order niyo ah!" sabi nito na kinatahimik ko.
Napansin nitong mas lalo akong nabigatan sa hangin sa loob ng CR kung kaya lumabas ito at hinayaan lang ako. Nang makapagayos ayos na ako ng sarili ay bumalik na ako ng table.
"Kain na tayo!" sabi ko dito habang umuupo sa silya.
"Umiyak ka ba?"
"Napuwing kasi ako kanina kaya natagalan ako sa loob! pasensya na!"
"Uhm diba may sasabihin ka?"
"Nevermind wala yun!" sabi ko dito
"Ano nga? Magkaibigan naman tayo diba? baka matulungan kita wag ka nang mahiya!"
"Manghihiram sana ako ng notes sa Statistics" palusot ko na lang dito para tumigil na ito sa pangungulit.
"Asus yun lang pala eh!"
Nagpatuloy tuloy kami sa usapan sa kung paano ang gagawin niyang hakbang sa panliligaw at kung paano ako kikilos para kay Patricia.
Matapos kumain ay niyaya ako nitong manuod ng sine pero tinanggihan ko ito. Nagpalusot na lang ako na may gagawin ako mamaya kung kaya hinayaan na lang ako nito.
Habang naglalakad pabalik ay patuloy pa rin ang pagiyak ko. Hindi ko na namalayan ang layo ng nilakad ko mula sa Cafe papuntang apartment nila Kuya at Tj.
"Umiiyak ka ba?" bungad sa akin ni Tj na nakasalubong ako sa ground floor.
Niyakap ko ito at nagsorry. Umakyat kami ng Unit at doon ay nagusap. Nagsinungaling ako dito at hindi nagsabi kung saan talaga ako nagpunta.
"Saan ka ba kasi galing Lawrence at umiiyak ka kanina?"
"Sa bahay namin!"
"Yung totoo?"
"Sa bahay nga namin bakit ba?"
"anong bakit ba? Ang sabihin mo nakipagkita ka kay Max!" sabi nito sa akin
Napatulala ako sa mga sinabi nito.
"Sinundan kita kanina Lawrence and I'm so sorry! Palagi mo na lang ba akong sasaktan ah?"
"Sorry"
"Punyetang Sorry naman yan Lawrence!" pasigaw na sabi nito sabay tadyak sa upuan.
"Sabihin mo nga anong meron ang Max na yan na wala ako at hindi mo ako kayang mahalin?"
"Wala Tj! tama na!"
"Yung Max ba yun yung kasama mo pag umiiyak ka?...Yung Max bang yun ang nagyaya sayo sa park pagmalungkot ka?... Yung Max bang yun ang kayang ipagmalaki ka sa ibang tao?...Ang Max bang yun ang nagbibigay ng itlog sayo?... o baka naman mas magaling sa kama ang Max na yun?..." natigilan ito dahil sa isang malakas na sampal na ibinigay ko.
"Sorry Tj! Hindi ko sinasadya let me explain!"
"Ang sakit... ang sakit dito sa puso ko! Sige pa sampalin mo pa ako pero hindi yun matutumbasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon!"
"Ano pa bang explanation Lawrence? Ano pa bang sasabihin mo? na okay ka lang maghanap ng iba kasi alam mong may sasalo sayo?"
"Pinili na kita Tj!" sigaw ko dito.
"Pinili mo ako dahil hindi ka niya pinili! iyon ang totoo! makasarili ka Lawrence! parang tinataga ang puso ko" napaluhod niyang sabi sa akin.
Inalalayan ko itong tumayo at niyakap ng mahigpit. Hinalikan ko ito ngunit iniwasan niya lang.
"Mula ngayon ikaw lang wala nang iba pa!" sabi ko dito na nagpabago sa itsura ng mukha nito.
Matagal tagal rin kaming nasa posisyong magkayakap ngunit hindi pa rin ito kumikilos. Maya maya pa ay kumalas ito sa pagkakayakap ko at dumiretso sa kwarto. Nagsarado ito ng pinto at hindi ako pinagbuksan.
BINABASA MO ANG
My Crush Fall in Love with Me
RomanceDumating na ba sa point na kailangan mong mamili between sa taong gusto mo at sa taong nagmamahal sayo? Sino ang pipiliin mo? Ito ang naging problema at pagsubok sa buhay pag ibig ni Lawrence. Nahihirapan siyang mamili sa kung ano ang susundin niya...