Chapter 14 - Check Up

266 14 2
                                    

Lawrence P.O.V.

Nagising akong medyo nanakit ang katawan ko. Mahigit limang minutos akong nakahiga sa kama ni Tj. Napansin kong wala na si Tj at dahan dahan ako bumangon. Napahawak na lang ako sa pwet ko dahil sa sobrang sakit. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Tj na nagluluto. Nakashort lang ito habang nakasuot ng apron. Amoy na amoy sa buong unit ang niluluto nitong hotdog at tocino.

"Oh gising ka na pala baby!" bati nito sa akin habang naglalagay ng plato sa hapag.

"Hayop kang Tj ka! Hindi ka na makakaulit!"

"grabe ka naman baby! Nagdudugo ba yang lagusan mo?" sabi nito sa akin na kinabigla ko.

Hinawakan ko ang aking pwet at nilungon ang aking short. Positive nga may dugo. Naiyak ako ng mga oras na iyon. Nataranta si Tj kaagad na nilagay sa plato ang nilulutong hotdog at tocino.

Lumapit siya sa akin at binuhat ako. Nagulat ako sa mga ginawa niya. Binuhat niya ako at dinala upuan sa lamesa. Kumain ka na! Pupunta tayo ng Doctor.

Sumunod na lang ako sa kanya at tinapos ang pagkain ko. Naligo na ako at sinugurado ko ng may daladala akong tuwalya para hindi na maulit ang nangyari kahapon.

"Ano Baby? Lambingan ulit tayo?" bungad nito sa akin paglabas ko ng pinto.

Sinampal ko ito sa sobra kong inis. Nanghingi ako dito ng damit at inabutan ba naman ako ng damit ng Ate niya.

"Siraulo ka talagang hinayupak ka!damit at short mo na lang"

Inabutan naman ako nito ng kanyang mga over sized na tshirts at short pang basket ball. Bago ko pa man iyon sinuot ay pumunta ito sa likod ko at niyakap ako. Hinalikan nito ang leeg ko at nagsalita.

"Mahal na mahal kita Lawrence!"

Hindi ko iyon pinansin at nagsuot na lamang ako ng damit at short na binigay niya. Nagmukha akong maliit sa binigay niyang damit at short. Ang short nito ay lagpas tuhod ko na at ang damit nito ay halos maabot na ang tuhod ko. Wala na akong ginawa, tinack in ko na lang ito at bumaba na kami ng apartment.

"Lawrence!"

"Nagaalala sayo si Kuya kagabi! Mabuti na lang tumawag si Tj sa amin!" sabi ni Kuya Dan habang dala dala nito ang kanyang bag.

"Magpapa....." naputol na sabi ni Tj dahil tinakpan ko ang bibig nito.

"Magpapatuli lang ka......" nagulat ko ding sabi na tinawanan ng dalawa.

Tumawa lang si Kuya at umakyat na ito ng unit niya.

"Iba iba na tuloy nasabi ko! Bwisit ka Tj!"

"Ako na naman ang nasisi mo Baby ah!" sabi nito sa akin.

Dumiretso na kami ng Clinic na malapit sa school namin. Naabutan namin ang isang nurse na masama ang tingin kay Tj na halos ay kainin na.

"Miss!...Miss!" ilang ulit kong tawag sa pangalan nito bago pa lumingon

"Magpapacheck up sana itong asawa ko kasi namamaga yung ano niya!"
sabi ni Tj na kaagad kong diniinan ang braso niya.

Pinaupo muna kami nito sa may sofa at doon ay tinignan siya ng masama.

"Anong sinasabi mong asawa?"

"Eh anong gusto mong sabihin ko sayo! Alaga ko? o di kaya call boy na nadampot ko lang diyan at niyayang makipagsex?" nakangisi nitong sabi sabay kaltok ko sa kanya.

Dinala kami ng babae sa isang kwarto sa likod. Nandiyan po si Doc, pasok na lang po kayo. Pagkatapos naming magpacheck up ay halos umakyat ang lahat ng dugo sa buong ulo ko dahil napagkatuwaan ako ng dalawa at itong mokong na ito talagang nagkwento pa.

Paglabas namin ng Clinic ay pinaghahampas ko ito ng aking mga kamao na hindi man lang nasaktan ang batak nitong katawan.

"Hatid na kita sa bahay niyo at doon ay babantayan kita!"

"Ihahatid mo lang ako pero pwede ka na ring umalis! kaya ko na ang sarili ko!" nakataray kong sabi dito.

Pagdating namin ng bahay ay naabutan ko si Kuyang nagluluto. Sabado nga pala ngayon kaya pala nandoon si Kuya. Hinalikan ko siya at pinaramdam ko na nagtatampo pa rin ako sa kanya.

"Oh hanggang dito na lang ako Lawrence! Uwi na ako!"

"Sinong nagsabing uuwi ka na?!" sabi ko dito na kinalaki naman ng mata ni Kuya Clyde

"Diba sabi....."

"Baby naman masama pakiramdam ko tapos iiwan mo ako dito? sinong magaalaga sa akin?" malakas kong sabi para marinig ni Kuya Clyde.

"Masama ba pakiramdam mo bunso?" pagaalala nitong tanong sa akin.

Tinanguan ko lang ito at hinatak si Tj paakyat ng kwarto.

"Totoo ba yung narinig ko baby? tinawag mo akong baby kanina? so tayo na?" tanong nito

"Ewan ko sayo? tinawag lang kitang baby eh tayo na!" sabi ko dito na bahagya namang kinalungkot ng mukha niya.

Pinahiga niya ako sa kama at nakatulog naman ako ng mga oras na iyon.

My Crush Fall in Love with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon