Chapter 21 - Preparations

219 14 0
                                    

Lawrence P.O.V.

Last day na ngayon ng school at sa second week pa ng November ang pasok balik namin sa school. Pangalawang araw palang pero namimiss ko na si Tj. Tinanong ko ang mga kaibigan nito kung nagchachat man lang ba ito sa kanila pero katulad ko wala rin silang balita.

"Oh ano na Lawrence! ano ang plano mo next week?" tanong ni Justin sa akin habang sarap na sarap ito sa pagkain.

"Hindi na kami makakauwi ng province kasi ikakasal na si Kuya next week!"

Nagulat man ito sa sinabi ko pero hindi na lang ito nagkomento pa. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa bahay. Nandoon na pala si Ate Judith at may kasama itong mananahi.

"Bale this sunday ay makukuha niyo na yung gown at iba pang pinatahi niyo!" sabi ng mananahi.

Sa pagkakaalala ko matagal na itong pinagawa ni Kuya Clyde. Tinignan lang nila kung may reremedyohan pa sa ginawa ng mananahi. Pagkaalis ng mananahi ay nagpaalam din ang dalawa sa akin dahil may meeting pa daw ito sa kanilang wedding receptionist.

Napagdesisyonan kong puntahan si Justin pero pagdating ko doon ay nagiimpake na ito ng mga damit dahil mamaya na rin pala ang alis nito papuntang Pampanga.

"Please lang Tj sagutin mo naman ang tawag ko!" naiiyak kong sabi habang naglalakad papuntang sakayan.

Sumakay ako ng Jeep at pupunta na lamang ako kay Kuya Dan. Magaalas singko na rin kasi kaya siguradong nandoon na si Kuya. Pagdating ko doon ay wala pa ito. Nakalimutan kong dalhin ang spare key ko kaya pumunta muna ako sa unit nila Tj.

"Oh Lawrence! anong sadya mo?"

"Uhm nakakahiya man sabihin ate pero pwede bang dito muna ako habang naghihintay kay Kuya Dan!"

Tumango ito at malugod naman akong pinapasok nito sa loob ng unit.

"Kumain ka na ba?"

"Uhm hindi pa po pero mamaya na lang po pagdating ni Kuya Dan"

"Sige sige hintayin ko na lang rin Kuya mo para sabay sabay na tayo!"

Sinamahan ako nito sa sofa. Kinuha nito ang mga Album nila ni Tj at pinakita sa akin. Nagkwento ito ng mga hilig nilang gawin at mga kalokohan ni Tj noong bata pa. Habang binubuklat ko ang mga pahina ng Album ay biglang nagsalita si Ate.

"Ngayon ko lang nakita na naging seryoso si Tj pagdating sa pagibig. Karamihan sa mga naging karelasyon nito ay hindi niya masyadong tinutuunan ng pansin!"

Natahimik ako sa mga sinabi ni Ate. Nakaramdam ako ng pagiging guilty. Isa na lang kasi ang utos nito sinuway ko pa. I admit na nasaktan ko siya pero sana naman ay patawarin na ako nito.

"Kailan po ba ang uwi ni Tj Ate Heaven?"

"Hindi na yun uuwi pa dito ng Manila, dumating na kasi si Mommy galing abroad!"

Natigilan ako sa mga sinabi niya at napaluha na lang. Tumawa ito bigla nang makita akong lumuluha.

"Ito naman nagbibiro lang! Bukas ay dadating rin ito at pinuntahan lang niya ang puntod ni Lolo dahil death anniversary nito!" sabi nito sa akin na natatawa pa rin sa mga reaksyon ko.

Nakahinga ako ng malalim at nagpunas ng aking mga luha. Maya maya pa ay tumunog ang aking phone. Tumatawag na pala si Kuya Dan.

"Nandito ako Kuya kila Ate Heaven! Dito na daw tayo kumain" sabi ko dito.

"Sige pababa na!"

Dumating na si Kuya at nagsalosalo na kami sa luto ni Ate Heaven at sa dala ni kuyang ulam. May napapansin akong kakaiba sa dalawa.

"Kuya Dan, Ate Heaven!"

"may sasabihin po ba kayo sa akin?"

Bago pa man sila sumagot na dalawa ay nagkatinginan muna ito at tumawa.

"Kami na ng Kuya Dan mo Lawrence!" sabi ni Ate Heaven na ikinabigla ko naman

Natuwa ako sa balitang sila na ni Kuya Dan ko. Hindi na ako hahadlang dahil mabait naman itong si Ate Heaven at disenteng tao. Binigay sa akin ni Kuya Dan ang susi ng unit niya at sinabing dito daw siya matutulog sa unit nila Ate Heaven.

"Kuya ah! No touch" sabi ko dito na tinawanan lang ni Ate Heaven.

Umakyat na ako ng Unit ni Kuya Dan. This time nakaramdam ako ng kalungkutan at pagiisa. Gusto ko na ulit makita si Tj. Namimiss ko na kasi ang kakulitan nito at pagiging malambing. Nagtext ako kay Kuya Clyde na dito na muna ako magiistay sa apartment ni Kuya hanggang sunday.

My Crush Fall in Love with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon