Prologue

947 24 2
                                    


Prologue

Kyzella's point of view


Sa isang madilim at masukal na daan, kung saan nangingibabaw ang katahimikan at tanging ilaw mag mula sa aking sasakyan lang ang tanging nag sisilbing ilaw sa aking binabaybay na daan.

Hawak ang aking manebela bakas pa din ang panginginig at panlalamig ng aking mga palad.

Mas lalo ko lang naramdaman ang pinaghalo halong sakit, kirot, tensyon at takot na bumabalot sa aking sistema.

Pinunasan ko ang luhang kanina pa hindi tumitigil sa pag tulo mula pag labas ko sa bahay na yon.

Napansin kong lumalalim na ang gabi kaya naisipan kong sumulyap sa aking orasan.


1:33 am


Mag uumaga na ngunit heto ako, nag mamaneho sa kawalan balisa't binabalot ng halo halong emosyon at walang eksaktong lugar na patutunguan.

Basta ang tanging nasa isip ko lang ay tumakbo at makalayo sa bahay namin.


why do birds suddenly appear everytime you are near


Biglang nabasag ang katahimikan na bumabalot sa loob ng aking sasakyan ng biglang mag ring ang cellphone ko na nakalapag sa kabilang seat ng aking sasakyan. napalingon ako dito. what the fvck


Agad ko itong sinilip at tinignan kung sino yung tumatawag.


mommy


Hindi napigilang umagos ulit ang mga luha sa aking mga mata na halos maningkit na sa kakaiyak.


i'm really sorry mom.


Muling bumalik ang pinaghalo halong galit, sakit, tensyon, takot at kirot na kanila ko pa pinipigilan na ikinasikip ng dibdib ko ngayon.

Binilisan ko pa lalo ang andar at sinagad ang miliage ng aking sasakyan.

Hindi alintana ang mga matang halos hindi na makakita ng dahil sa luha na humaharang dito pupunasan ko sana yung luha sa mata ko nang bigla na lamang may mag overtake na sasakyan sa harap ko.

Malapit na bumangga ang bumper ng mga sasakyan namin ng bigla kong iniwas ang aking kotse.

Muli akong lumingon sa sasakyan na muntik ko ng makabangga.

Bumusina ako ng dalawang beses sa inis. bitch

Masyadong mabilis ang mga pangyayare.
humarap ako sa minamaneho ko at napailing sa pag aakalang nakaligtas na ko ngunit laking gulat ko na babangga ang kotseng sinasakyan ko sa isang malaking poste.


BOOM


Dinilat ko ang aking mga mata at pinunasan ang luha na nangingilid dito. tumingin ako sa kisame. great nightmare

Eerie UniversityWhere stories live. Discover now