¹

484 5 0
                                    

Chaeri's

"ate chae, pahiram na lang ako ng lyrics mamaya, nawala ko kasi yung copy ko." tinanguan ko na lamang si Jeongin na ngayon ay nakatayo sa harap ko at ibinalik ko na ang sarili sa pagbabasa ng libro.

"ha??? bakit siya ang kinuha???" napatayo pa ako sa gulat. "sino?? sinong nakuha??" gulat na tinanong ni Jisung. natauhan ako nang makita ko na halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin. nakakahiya. "teka nasaang chapter ka na Chae? bilis mo ah?" napatingin ako kay Felix na gulong-gulo. "chapter 6 pa lang naman ako." sagot ko at napaupo.

"bilis ah, tapos di mo 'ko magawan ng poem!" sumingit si Hyunjin na nanggaling sa canteen. "sige gawan kita limang poem, pahingi ng turon kapalit." biglang nilayo sa akin ni Hyunjin ang hawak niyang turon. "di pa nga ako nagbbreakfast, aagawan mo pa ako ng pagkain?" tinaas niya ang isa niyang kilay at umupo na sa kaniyang upuan.

maya maya pa ay dumating na ang teacher. sinermonan pa nga ni ma'am si Hyunjin dahil nangangamoy turon sa classroom. at dahil wala namang paki si Hyunjin, patuloy siyang kumain ng turon sa likod ng classroom. kahati pa niya si Jisung.

dumaan ang dalawa pang subjects at sa wakas, lunch na. nagprisinta sa'kin si Felix na sumabay sa akin pababa ng canteen kaso pinauna ko na siya. kukunin ko pa yung lyric sheet na ibibigay ko kay Jeo.

.
.
.
.
.

pagbaba ko ng canteen, inilibot ko ang aking mata para hanapin si Jeongin. nakita ko siya sa kasama ang kanyang mga kaibigan sa pinakadulong table sa canteen. lumapit ako sa table ng mga kaibigan niya at rinig ko na ang malalakas na daldal nila Jisung. "uy Chae!" Nagulat ako sa biglaang pagbati ni Jisung. "hi, Ji." maikling sabi ko. inabot ko na kay Jeongin ang lyric sheet.

"ingatan mo yan. pag yan nalagyan ng kahit anong dumi makikita mo." joke lang! di ko tatakutin ng ganito si Jeo 'no!

"haaaa, o-opo m-m-madam! masu-su-sunod po!" kitang kita ang kaba sa mata ng mas nakababata sa harapan ni Chaeri ngayon. "hoy joke lang! may extra copies pa naman ako." dahil sa nakakatakot na aura ni Chaeri ngayon, pati  ang mga kaibigan ni Jeongin na sina Jisung ay kinilabutan sa takot.

"papasa kang witch teh." sambit ni Hyunjin habang kumakain ng turon. pang ilang turon mo na ba yan Hyunjin? dahil sa hiya, dali daling tumakbo palabas ng canteen si Chaeri, dala ang kaniyang pagkain. buti na lang may baon ako, ayoko na bumalik ng canteen!

sa mga nangyari kanina, ay di alam nila Chaeri na may nakamasid sa kanila. huh, bilis naman niyang mahiya.

cnu kaya i2? abangan s nxt ep! 😱 chz.

my photographer boy.Where stories live. Discover now